top of page
Search

by Eli San Miguel @Overseas News | September 4, 2024



Photo

Nasawi ang hindi bababa sa 51 katao at 271 ang nasugatan sa isang pag-atake ng Russian missile sa lungsod ng Poltava, sa gitnang bahagi ng Ukraine. Tinamaan ang isang military academy at ang kalapit na ospital.


Ipinangako ni Pangulong Volodymyr Zelensky na magbabayad ang Russia para sa pag-atake at muling nanawagan para sa karagdagang air defenses upang matulungan ang Ukraine na protektahan ang sarili gamit ang long-range missile strikes. Wala pang tugon ang Moscow sa pag-atake.

 
 

ni Eli San Miguel @World News  | August 28, 2024



Showbiz News

Isang missile mula sa Russia ang tumama sa Kryvyi Rih nitong Miyerkules, habang nagluluksa ang lungsod para sa nakaraang pag-atake na pumatay sa apat na sibilyan sa isang hotel.


Nakapinsala ng imprastruktura ang bagong missile strike at nasugatan ang apat na tao, ayon sa lokal na opisyal na si Oleksandr Vilkul.


Itinuturing naman ang pag-atake noong Martes sa Kryvyi Rih, na pumatay sa apat na tao at nasugatan ang limang iba pa, bilang bahagi ng serye ng mga pag-atake gamit ang missile at drone sa buong Ukraine na isinagawa ng Russia.


Patuloy na isinusulong ng mga puwersa ng Russia ang pag-atake sa okupadong silangang rehiyon ng Donetsk sa Ukraine, na isa sa mga pangunahing layunin ng Kremlin. Papalapit na ang Russian army sa Pokrovsk, isang mahalagang logistics center para sa depensa ng Ukraine sa lugar.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 23, 2024




Nagpaputok at nagpasabog ng iba't-ibang armas ang mga armadong lalaki na nakasuot ng camouflage sa Crocus City Hall sa Moscow noong Biyernes.


Sa kasalukuyan, 115 katao ang naitalang patay dahil sa pag-atake na inako ng mga militante ng Islamic State, ayon sa Investigative Committee ng Russia.


Halos 100 katao naman ang ginagamot at nagtamo ng pinsala.


Ayon sa pahayag ng Federal Security Service ng Russia sa news agency na Interfax, nahuli ng mga otoridad ng Russia ang 11 katao na kaugnay ng atake.


Naglabas naman ng pahayag ang maraming lider sa buong mundo upang ikondena ang karahasan, at tinawag itong isang "heinous and cowardly terrorist attack” UN Security Council.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page