ni Lolet Abania | October 10, 2021
Isang L-410 plane sakay ang 23 katao ang bumagsak bandang alas-9:23 ng umaga local time (0623 GMT) ngayong Linggo, mula sa isang flight patungong Republic of Tatarstan, central Russia, kung saan 16 ang namatay habang pito naman ang nailigtas mula sa mga debris, pahayag ng Emergencies Ministry sa RIA news agency.
Lulan ng eroplano ang isang grupo ng parachute jumpers na ayon sa TASS news agency, pito sa mga ito ang hinila nang buhay para iligtas ng mga rescuer mula sa bumagsak na aircraft.
Ang naturang plane ay isang Let L-410 Turbolet, kung saan isa itong twin-engine short-range transport aircraft.
Ayon sa Russian aviation, nag-improve na ang kanilang safety standards patungkol sa kanilang mga aircraft nitong mga nagdaang taon subalit, ang mga aksidente na may kaugnayan partikular sa mga ageing planes o lumang eroplano sa mga malalayong rehiyon ay hindi bihira.
Matatandaang isang lumang Antonov An-26 transport plane ang bumagsak sa malayong bahaging silangan ng Russia noong nakaraang buwan, kung saan anim katao ang namatay.
Gayundin, lahat ng 28 indibidwal na sakay ng isang Antonov An-26 twin-engine turboprop ay nasawi nang bumagsak ito sa Kamchatka noong Hulyo.