top of page
Search

ni Rohn Romulo @Run Wild | Mar. 9, 2025



Photo: Ivana Alawi


Single na single pa rin daw si Ivana Alawi hanggang ngayon dahil wala raw siyang time na harapin ang kanyang love life.  


“Wala nga akong time sa sarili ko, kahit nga sa family ko, minsan hindi kami nagkakasabay kumain,” pag-amin ng aktres at sikat na vlogger sa naganap na thanksgiving party niya para sa entertainment media sa Vinta Modern Cantina sa Quezon City.


“This year, mas magiging busy ako, meron akong teleserye at movies din. So, paano talaga ako magkakaroon ng time sa love life, ‘di ba? Bahala na sila, saka na lang ‘yun, kaya work muna.


“Busy pa rin ako sa content creation, pagbibigay ng tulong. ‘Yun talaga ang nasa utak ko, tumulong muna bago ako mag-focus sa pag-ibig.


“Pero meron namang pasulyap-sulyap na date,” dagdag pa niya.

Twenty-eight years old na pala ngayon si Ivana at pagdating daw niya ng edad 30 ay gusto na niyang magkapamilya.


Sey niya, “Sa ‘kin lang ito, ha, hindi ko sinasabi para sa lahat. Feeling ko, ‘pag mga 30 na ako, I think it’s time for myself and start focusing on love and family.”


Natanong din si Ivana tungkol sa health crisis na kanyang pinagdaanan last year. Nagkaroon siya ng problem sa ovaries na naging dahilan para magkaroon ng fluid build-up sa abdomen niya. Meron din siyang PCOS at naospital siya ng ilang araw.


Kuwento niya, “It took a month to recover, bawal kumilos, bawal mag-gym, kaya siguro medyo nagkalaman ako. Wala naman akong pakialam kung tumaba ako, basta healthy, ‘yun ang importante sa ‘kin.


“Pero ngayon, okey na okey na ako, wala na akong sakit.”


Na-realize raw niya na, “Lahat ng material, lahat ng pera, mga bag mo, hindi mo masasama ‘yun ‘pag kinuha ka na ni Lord. Kaya dapat magpakasaya ka sa buhay mo, i-enjoy mo and surround yourself with your loved ones.”


May inamin din si Ivana na may matutupad na pangarap niya sa darating na mga araw.

“May isa akong pangarap na maa-achieve ko very, very soon,” sabi ng sexy actress.


Pagbubulgar pa niya, “Pangarap ko s’ya dati pa noong bata pa ako, so, siguro ‘yun pa lang. Siyempre, ang next kong pangarap ay makabuo ng pamilya at maging housewife, so, hindi pa natutupad ‘yun.


“Pero ito, matutupad na at malalaman naman ninyo agad ‘yun this month.”

Naloka rin siya sa fake news na baka may cancer siya.


 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | Mar. 5, 2025



Photo: Alex Gonzaga - Pinoy History - FB, IG


Nakakaaliw ang naging hirit ni Alex Gonzaga sa inilabas sa page ng Pinoy History sa Facebook (FB) para sa TOP 25 MOST BEAUTIFUL VLOGGERS (MOST ADMIRED VLOGGERS 2024). 


Pasok sa Top 10 sina Jenela in Japan (1), Sachzna Laparan (2), Ivana Alawi (3), Shaha Meta (4), Bangus Girl (5), Queenay Mercado (6), Carla Albeus Topular of JomCar (7), Maureen Dejillo (8), Dr. Krizzle Luna (9), at Petra Mahalimuyak /Ashley Rivera (10).

Komento ng aktres/vlogger, “SO DITO KAHIT PANG-26th ‘DI MO MAN LANG AKO NA-CONSIDER! Kahit saling ketket na lang, oh.” 


Sagot naman ng Pinoy History, “Sorry, Ma’am Alex.”


Kasunod nito, ginawan na siya ng art card na pasok na siya sa pang-26th, at mababasa rin ang iba pa niyang achievements bilang sikat na digital creator na may 13 million plus followers. 


Paliwanag ng Pinoy History sa kanilang FB post, “Paumanhin po, Ma’am Alex Gonzaga. Heto na po, ‘wag na pong magtampo! 


“Note: Dahil po sa kakulangan ng espasyo sa aming ginawang Art Card, hindi naisama si Ms. Alex Gonzaga sa Top Most Beautiful Vloggers 2024 dahil siya ay pang-26th, humihingi po ng

dispensa ang pamunuan ng Pinoy History.”


Dagdag na komento pa nila, “Salamat po sa pag-unawa, Ma’am. We love you.”

Sagot ni Alex, “Pinoy History, next time, alam n’yo na isama n’yo ko sa cut off.”


Sumang-ayon naman ang mga netizens, na dapat daw kasama si Alex sa Top 25, dahil sa totoo lang, maganda rin naman siya. Nakakaaliw at talagang matataas ang views ng mga videos na kanyang ina-upload.


 

PINUSUAN naman ng mga netizens ang Facebook (FB) at Instagram (IG) post ni Sylvia Sanchez tungkol sa kanyang daughter-in-law na si Maine Mendoza na nag-celebrate ng kanyang 30th birthday nitong March 3. 


Makikita ang videos at photos ng mga kaganapan kasama si Maine at ang pamilya Atayde. 


Caption ni Sylvia (as is): “Dalawang Birthday’s mo na Maine na kasama ka namin mula ng namanhikan si Arjo sa iyo kasama ng buong pamilya. Maraming maraming Birthday mo pa ang pagsasaluhan natin @mainedcm. 


“Mahal ka namin ng Daddybee mo at ng buong Pamilya!!! At habangbuhay na kayong magkukulitan ni Daddybee. Ang saya saya ng araw na to!!! 


“Maligayang kaarawan, nak!”


Reply naman ni Maine, “Thank you, ma! Love you.”


“Welcome and love you mucho, nak,” sagot naman ni Ibyang.


Sobrang saya nga ng 30th birthday party ni Maine, and malay natin, next year, baka may baby na sila ni Cong. Arjo Atayde. 


Anyway, ang ganda naman ng regalong painting ni Joey de Leon na ipinost nito sa IG, isang clown na makulay ang buhok at naka-polka dots na damit.


“This is my gift to the Birthday Girl Maine—a self-portrait with a touch of Yaya Dub (polka dots),” sabi ni Joey. 


Dagdag pa ni Henyo Master, “Thanks, Menggay for the happy and funny ten years as a Dabarkads! (red balloon emoji) @mainedcm.”


Reply ni Maine, “Thank you, Boss Joey! Love you (heart emoji).”

For sure, isa ito sa mga paintings na ite-treasure ng actress-TV host.

 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | Feb. 13, 2025



Photo: Sylvia Sanches - IG


Napanood na ngayon nationwide ang pampamilya at heartwarming na animated film na Buffalo Kids (BK) hatid ng Nathan Studios.


Happy ang producer at aktres na si Sylvia Sanchez kasama ang kanyang mister na si Papa Art Atayde, bunsong si Xavi at ibang kapamilya na nagustuhan ng mga nanood ang naturang pelikula na hindi lang pambata dahil makaka-relate rin ang mga adults.


Sey naman ni Ibyang kung bakit ganito ang latest offering nila, “Gusto namin sa Nathan Studios, iba’t ibang genre, ‘di puro action or drama lang. Gusto namin, ‘pag ipinalabas, meron talagang tagos sa puso, doon nila maaalala ang Nathan sa ganu’ng klaseng pelikula, tulad nitong Buffalo Kids.


“Makaka-relate ang lahat tungkol sa pagtulong at hindi panlalait at pagbibigay ng chance sa lahat. Nasa wheelchair man o wala, special or normal, kailangang bigyan ng chance lahat.”

Pagbabalita pa niya, “Ang next movie namin na ire-release ay tungkol sa magulang, ito ‘yung Picnic ng South Korea na kuwento ng mga seniors, lola’t lolo. Ita-Tagalize namin ‘yung movie. Ang magda-dub ay sina Ate Ces Quesada, Tita Nova Villa, Kuya Bodjie Pascua, Freddie Webb atbp..


“Gusto sana naming ipalabas sa Mother’s Day, pero magiging abala ang mga tao sa election, kaya baka sa April, pipili lang kami ng magandang playdate.


“Meron din kaming nakuha, isa pang South Korean movie na tungkol naman sa monk, ito ‘yung About Family na bida si Lee Seung-gi, comedy s’ya, pero may tagos din sa puso.”


Ibinalita rin ni Sylvia na naghahanda na sila dahil susubukan nila uling magpasok ng entry sa 2025 MMFF after ng Topakk na pinagbidahan nina Arjo Atayde at Julia Montes at nakasungkit ng tatlong tropeo — Fernando Poe Jr. Memorial Award for Excellence, Jury Prize Award at Best Float sa 50th MMFF.


Samantala, sa hindi pa nakakapanood, magkakaroon ng special run ang Topakk sa direksiyon ni Richard Somes sa UPFI Film Center Videotheque simula sa Thursday, Feb. 20 at 11 AM & 5 PM.


Ang iba pang dates and time ay: Feb. 21 (Fri) at 2 PM; Feb. 26 (Wed) at 2 PM; Feb. 27 (Thurs) at 2 PM, at sa March 1 (Sat) at 2 PM. 


Anyway, dapat sana, this month until March na ang shooting ng next movie na ipo-produce ng Nathan Studios, kung saan dadayo sila sa isang magandang lugar sa Cagayan de Oro, pero naurong ito.


Aniya, “Magro-roll kami ngayong May or June, pang-filmfest ‘yung movie at sana mapili at makasama.”


Bongga naman ang casting ng movie na tungkol sa ‘special’ love story, na balitang pumayag ang isang aktor-pulitiko kaya muli silang magkakasama ng premyadong aktres na kasama ni Sylvia Sanchez, dahil ang dalawang aktres ang gaganap na mga ina ng dalawang bida.


Kaya nakaka-excite ang mga susunod na pasabog na pelikula ng Nathan Studios, Inc. sa taong ito. 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page