ni Mary Gutierrez Almirañez | June 5, 2021
Nagpositibo sa COVID-19 si Davao de Oro Vice-Governor Maricar Zamora, batay sa lumabas na resulta ng kanyang RT-PCR test.
Aniya, "Since I am symptomatic, I would be confined to a hospital for medical attention.”
Hinihikayat naman niya ang mga naging close contact simula nu’ng May 22 na magpunta sa health office upang mapadali ang contact tracing at para makatiyak na hindi kakalat ang virus.
Dagdag niya, "This only underscores the seriousness of this virus. It’s a real threat – especially for our most vulnerable loved ones, friends, and neighbors."
Sa ngayon ay 381 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Davao de Oro. Sa kabuuang bilang nama’y 2,088 cases na ang mga naitala.