ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 11, 2020
Patay ang 18 katao at 40 ang sugatan sa salpukan ng pampasaherong bus at tren sa Thailand nitong Linggo nang umaga sa Chachoengsao Province, 50km (31 miles) east of Bangkok.
Ayon sa pulisya, papunta sa Buddhist temple ang 60 pasahero ng bus para sa paggunita ng Buddhist Lent nang salpukin ito ng tren.
Ayon naman kay Provincial Hospital Director Sombat Chutimanukul, isinugod sa pinakamalapit na ospital ang mga sugatang pasahero.
Kinumpirma ni State Railway of Thailand Governor Nirut Maneephan ang bilang ng mga nasawi sa insidente.
Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay si Thai Prime Minister Prayut Chan-O-Cha sa pamilya ng mga nasawi at ipinag-utos ang agarang imbestigasyon upang malaman ang dahilan ng insidente.