ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 20, 2020
Itinalagang ganap na Papal Chaplain o miyembro ng Papal household ni Pope Francis ang isang paring Cebuano.
Nakapagtapos ng Theological Studies si Msgr. Jan Thomas Limchua, 36, sa Faculty of Theology of the University of Navarre sa Pamplona, Spain. Naordinahan siya bilang pari sa Archdiocese of Cebu noong 2010.
Sa Canon Law at the Pontifical Lateran University sa Rome naman siya nakapagtapos ng doctorate degree.
Ngayong taon din ay in-appoint si Limchua ni Vatican Secretary of State Cardinal Pietro Parolin bilang opisyal ng Section for the Relations with States of the Holy See. Isang karangalan sa Archdiocese of Cebu ang naturang pagtatalaga kay Limchua.
Si Limchua ay ang pangatlong Cebuano na parte na ng diplomatic service katulad nina Archbishop Osvaldo Padilla, Apostolic Nuncio Emeritus to Korea, at ang kapatid nitong si Archbishop Francisco Padilla, the Apostolic Nuncio to Guatemala.