ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 3, 2020
Bumaba sa 3.3 million ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho noong Oktubre mula sa 7.2 million noong Abril ngayong taon, ngunit tumaas ito ng 1.8 million kumpara noong nakaraang taon, ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa ginanap na virtual press conference ngayong Huwebes, ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, naitala ang 8.7% unemployment rate noong October.
Aniya, “[Nasa] 3.8 milyong Pilipino na nasa labor force ay walang trabaho o negosyo nitong nakaraang October, 2020. Ito ay mas mataas ng 1.8 milyon kaysa sa bilang noong October 2019 na nasa 2.0 milyong indibidwal na walang trabaho o negosyo.”
Dumami ang bilang ng mga nawalan ng hanapbuhay nang magpatupad ng lockdown sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.
Ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na unemployment rate habang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) naman ang pinakamababa.