ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 18, 2020
Nilinaw ng Department of Health na hindi lamang ang pagbi-videoke o karaoke ang ipinagbabawal ngayong nakikipaglaban ang bansa laban sa COVID-19 pandemic kundi maging ang pagkanta ng mga choir sa simbahan.
Pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, “Kapag nagbigay tayo ng ganitong protocol, hindi ito nililimitahan sa karaoke kasi marami pang pagkakataon na tayo ay kumanta sa public places.
“Mayroon pong ebidensiya na kapag tayo ay kumakanta, mas maraming viral particles ang nailalabas sa ating katawan kung tayo ay maysakit.”
Ngayong nalalapit na ang Pasko at ginugunita ng mga Katoliko ang Simbang Gabi, paalala ng DOH, hindi exempted ang mga choir members sa naturang protocol.
Saad pa ni Vergeire, “So choir members
are not exempted. We will be coordinating with the Catholic church para ma-enforce ang minimum public health standards ngayong mas madalas magsimba ang mga tao dahil sa Simbang Gabi.”