ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 7, 2021
Patay ang tatlong bata at dalawa ang sugatan matapos masabugan ng napulot na granada sa northwest Pakistan, ayon sa awtoridad.
Ayon kay Local Senior Police Official Mansoor Aman, naglalaro ang apat na magkakapatid at isang kapitbahay sa Peshawar nang makita nila ang granada.
Aniya, "The children first played with it and later hit it with a stone causing it to explode."
Si Local Police Official Aziz ur Rehman ang nagkumpirma ng mga naitalang casualties.
Samantala, normal na umano ang makakita ng mga “discarded weapons” sa northwest Pakistan dahil minsan na itong pinagdausan ng mga aktibidad laban sa Taliban.