ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 25, 2021
Umakyat na sa apat ang kumpirmadong patay sa naganap na barilan sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Miyerkules nang gabi sa parking lot ng isang fast food restaurant sa Commonwealth Avenue, Quezon City, ayon kay PDEA Chief Wilkins Villanueva.
Dalawang pulis, isang PDEA agent at isang informant ang nasawi sa insidente.
Ayon din kay Villanueva, stable na ang kondisyon ng 3 PDEA agents na naiulat na critically injured.
“Out of danger na ang tatlo,” aniya.
Magtutulungan din ang dalawang sangay ng pamahalaan sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa diumano’y misencounter sa pagitan ng kapulisan at PDEA.
Siniguro rin ni PNP Spokesman Police Brigadier General Ildebrandi Usana na hindi makaaapekto sa operational relationship ng dalawang ahensiya ang insidente.
Ayon sa ulat, isa sa hanay ng dalawang grupo ang nagsagawa ng buy-bust operation at ayon kay Villanueva, “‘Yun nga, what we are trying to find out, sino rito ang buy-bust? But right not we cannot tell whether both of us or one of us are doing the buy-bust and one of us are not doing the same buy-bust.
“But we cannot tell that. Because we do not have the evidence that will prove that right now.”
Pahayag naman ni PNP Chief Police General Debold Sinas, “Very unfortunate incident na talagang it happened. That’s why we have to investigate properly.
“Ayaw naming magbigay kaagad ng report only to find out mali pala and masaktan na ‘yung sa kabila… without first going with the available facts and available evidence na nakikita.”
Samantala, nakatakdang magsagawa ng imbestigasyon ang Senate Dangerous Drugs Committee sa insidente sa susunod na linggo, ayon kay Senator Ronald Dela Rosa.
Aniya, "My committee on public order and dangerous drugs is going to conduct an inquiry in aid of legislation relative to that incident this coming Tuesday.”