ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 15, 2021
Sinopla ni Senator Nancy Binay ngayong Lunes ang mga opisyal ng pamahalaan na lumabag sa mga COVID-19 health protocols.
Saad ni Sen. Nancy sa kanyang tweet, “How can we expect people to consciously follow health protocols when even our national and local government officials do not conscientiously follow minimum health protocols?”
Kalakip nito ay ang piktyur kung saan mababasa ang kanyang pahayag na: “After a year since the lockdown, naririto pa rin tayo at hindi umuusad. Parang walang nagbago – same problems, same issues, same recommendations.
"Kahit anong curfew o liquor ban ang gawin, if we see people in government freely traveling to beaches and resorts, and organizing public gatherings as if everything is back to normal, talagang magre-relax din ang mga tao.”