ni Angela Fernando @News | Oct. 12, 2024
Photo: Rodrigo Duterte at Ronald Bato Dela Rosa - FB
Maaaring humarap sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa mga pagdinig ng Quad Committee ng House of Representatives kaugnay ng mga ilegal na Philippine offshore gaming operators (POGOs) at mga extrajudicial killings sa ilalim ng war on drugs ng nagdaang administrasyon.
Kinumpirma ito ni House QuadComm co-chair at Manila 6th District Rep. Benny Abante nang matanong kung pinag-iisipan ng mega panel na imbitahan si Duterte sa kanilang pagdinig.
Ito ay matapos ang mahigit sa isang araw na pagdinig ng QuadComm, na nagsimula nu'ng Biyernes ng umaga at nagtapos ng madaling araw ng Sabado, kung saan ibinunyag ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Royina Garma na dati siyang inatasan ni Duterte na maghanap ng opisyal na magpapatupad sa 'Pinas ng “Davao model” ng kampanya kontra droga, na nagbibigay ng reward sa pagpatay ng mga hinihinalang sangkot at may kinalaman sa droga.