Dear Roma, More than 6 years na kami ng BF ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami legal sa family ko dahil alam kong ayaw ng mama ko sa kanya kahit nasa tamang edad na ako. Tuwing may gala kami ng friends ko, palagi siyang kasama, tapos sinasabi ni mama na bad influence sa akin ‘yung mga kaibigan ko kaya na-offend ako.
Hindi niya alam na marami na kaming pinagdaanan ng BF ko at mas madalas pa siyang makinig at sumuporta sa akin, lalo na ‘pag may problema ako. Sobrang controlling ang mama ko at palagi niyang sinasabi na “my home, my rules”. Mahilig din siyang manghusga sa iba kaya nakakainis na talaga. — Lily
Lily, Hindi madali ang sitwasyon mo, lalo na kung nasa wastong edad ka na at hindi mo kontrolado ang buhay mo. Kung feeling mo ay sobra na ang mama mo, lakasan mo ang loob mo na sabihing may BF ka na at ipaglaban mo ang inyong relasyon.
Kung wala kayong ginagawang masama, ipagpatuloy mo kung ano ang meron kayo, gayundin, ‘wag kang mawalan ng pag-asa na magkakaunawaan din kayo ng mama mo.
‘Ika nga nila, mother knows best, pero kung sumosobra na ang nanay mo, kailangan mo na siyang kausapin nang sa gayun ay magkaintindihan kayo dahil komunikasyon pa rin ang pinakamabisang solusyon sa lahat ng problema. Kapit lang, Lily. Kaya mo ‘yan!