top of page
Search

ni Lolet Abania | November 22, 2020




Apat na Filipino Catholic communities sa Rome ang nagsama-sama upang makalikom ng pondo para ibigay sa mga nasalanta ng Super Typhoon Rolly sa Virac, Catanduanes.


Matatandaang matindi ang pinsalang idinulot ng Bagyong Rolly nang tumama sa lalawigan ng Catanduanes sa Bicol region, lalo na sa munisipalidad ng Bato kung saan ito nag-landfall noong November 1.


"The 4tified By Christ group was organized by Rev. Fr. John Paul Herrera Avila, chaplain and spiritual director, to set up the fundraising 'Tabang Catanduanes 2020 - Operation STY Rolly," ayon sa post ni Julio dela Cruz Jr., chairperson ng Our Lady of Penafrancia Community – Milan, Italy.


Umabot sa €827.00 o P46,868.39 ang nakolekta ng grupo mula sa mga Pinoy sa nasabing lugar. "And we have already sent the cash donation to Rev. Fr. Atoy Dela Rosa of the Diocese of Virac," dagdag ni Dela Cruz sa Messenger post.


Binubuo ang 4tified By Christ ng Santissima Trinita FFC, Nativita di Vergine Maria FFC, Lingkod ng Espiritu Santo FFC, and Santo Eusebio FFC. Unang pinamunuan ang samahan ni Bro. Jerry Rabang ng Monza at dating cappellano Fr. Joselin San Jose noong 2014.


"It is always a part of our activities to help whenever and whatever we can. We have agreed to pick Catanduanes being the 'economically poor but not in spirit' island province first to be hit by the two successive typhoons," sabi ni Dela Cruz.


"As the saying goes, 'Sa Bikol 'pag may bagyo, inot na tinutukudan ang puon nin sili ta daeng siram kung mayong sili ang buhay kan Bicolano' (Sa Bikol, ‘pag merong malakas na bagyo, unang tinutukuran ng kahoy ang puno ng sili para huwag masira dahil walang sarap ang buhay Bicolano kung walang sili')," birong pahayag pa ni Dela Cruz.


 
 

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | November 12, 2020



Lumahok ang Manila Electric Company (Meralco) at ang social development arm nito na One Meralco Foundation (OMF) sa Power Restoration Rapid Deployment (PRRD) Task Force Kapatid 2020.



Ang layunin ay mapabilis ang pagbabalik ng serbisyo ng kuryente sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Rolly.



Nitong Nobyembre 7, nagpadala ang Meralco ng 206 na katao na binubuo ng mga engineer, linemen, at support personnel upang tumulong sa power restoration sa Albay, Catanduanes, at ibang bahagi ng Camarines Sur. 



65 na katao naman mula sa grupong ito ay tutulong sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga restoration works na gagawin nito sa Bicol.



Ang Meralco ay nakikipag-ugnayan para sa proyektong ito sa Department of Energy (DOE), National Electrification Administration (NEA), Philippine Rural Electric Cooperatives Association Inc. (Philreca), at sa iba pang mga Electric Cooperative sa Bicol.


 
 

ni Thea Janica Teh | November 5, 2020




Isinailalim na ngayong Huwebes sa state of calamity ang Catanduanes matapos manalanta ang bagyong Rolly nitong Linggo.


Umabot sa 20,000 bahay ang nasira ni 'Rolly' na itinuturing na pinakamalakas na bagyo sa buong mundo sa taong 2020. Bukod pa rito, nasira rin ng Bagyong Rolly ang humigit-kumulang P1.3 bilyong halaga ng agrikultura sa lungsod.


Hanggang ngayon ay wala pa ring cellphone signal sa lugar pati na rin ang kuryente at tubig. Kulang na rin ang medical supply at gamot sa Eastern Bicol Medical Center (EBMC).


Ayon kay EBMC Hospital Chief Dr. Vietrez Abella, kinakailangan nila ng gamot sa tetano dahil bukod sa mga nasugatan ay mayroon ding mga nakagat ng aso. Kinakailangan din nila ng emergency med at anti-rabies.


Sa ilalim ng state of calamity, makakakuha ang lokal na pamahalaan ng calamity fund upang magamit sa rehabilitasyon at relief goods.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page