ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 23, 2021
Basag na basag pa rin si Toni Gonzaga dahil ayaw siyang tantanan ng mga bashers.
Ang latest ay pinagdiskitahan naman ang movie niya with John Lloyd Cruz na My Amnesia Girl, dahil may nag-edit nito sa Wikipedia.
‘Yung isa ay nilagyan ito ng ‘Marcos Loyalist’ kasunod ng name ni Toni. Pero mas malala ‘yung pangalawa sa ginawang pag-edit dahil pinalitan na nga ang title ng movie ng “My Marcos Apologist Girl”, sa ibaba nito, nilagyan pa ang name niya ng “…and Toni Gonzaga na DDS at Marcos apologist.”
Halu-halo na naman ang reaction ng mga netizens sa entertainment blogsite, na ‘yung iba ay natawa lang sa ginawang pag-edit. May sumang-ayon at meron ding nagtatanggol kay Toni.
Ilan nga sa naging komento nila:
“Hahahahhahahahah love this. Whoever did this, saludo ako sa ‘yo. Hahahhaha!”
“Hehehe. ‘Katawa naman. Sa true lang naman ‘yung nag-edit. Marcos apologist. Check. DDS. Check. Marcos loyalist. Check. Ikaw na gurl!!!”
“Very unfair treatment. People hate Marcos for being a dictator then why are you guys dictating things to Toni.”
“Whoever did that is ill bred.”
“It’s a reflection of the truth.”
“Kapag natutuwa ka sa mga bagay na ganito, eh, di siya normal.”
“We so like manipulating the truth, huh?”
“I think it's witty. Hindi ill-bred ‘yun. Wala namang pinatay, tinorture o ninakaw sa webpage edit. Hindi rin siya kasinungalingan, dahil mukhang nagkakalimutan na nga ng mga kaganapan noong martial law.”
“Totoo naman, Marcos loyalist siya! Bakit sasama ang loob, ‘di ba? Nakita ba n’ya mga confessions nu’ng martial law victims kung gaano sila sinaktan at inabuso? No to Toni na ‘ko. No no no, Toni.”
“They are calling out Toni, they did not dictate. Wala silang sinabing i-take down ni Toni ang vlog. What they're doing is just simply the consequences to Toni's picking of side. Of course she will be bashed. And please do not compare, the people calling her out did not torture, kidnap, and kill her or one of her family members. They did not steal money from her too. So ang layo ng logic.”
“Ang tatalino ng nakaisip nito. HAHAHAHAHHA. AMNESIA.”
“Everyone is entitled to their own opinion.
“Mali man ‘yung ginawa ng bashers niya, aminin nating ang taba ng utak nila at nakakatawa talaga ‘to, hahahaha.”
“This is too low and immature. For sure, bagets ang gumawa n’yan. Kaya ako, I'm just keeping my political opinion to myself, ang dumi-dumi na ng socmed. Dapat happy lang!”
“What's low is Toni invalidating the horrors experienced during Martial Law and even supporting its progeny. This is too good for her, she deserves to be censured more harshly.”
“Sobrang invested nila kay Toni, ah. Pathetic people.”
“Nag-interview lang si Toni, pathetic na? Bawal pakinggan ibang side? Paano si Kris Aquino, in-interview niya rin si BBM? May similarity nga mga questions, eh.”
“Mas maayos noong Marcos, ngayon, ang gulo na, tagal na nakaupo ng Aquino, ano nangyari? Lahat ng palpak, sisi pa rin sa Marcos.”
“Katakot ‘yung mga ganito na nae-edit ‘yung mga historical facts sa Wikipedia. At mga komunista ang gumagawa! Papa’no na lang kung mga important info like ng isang lugar o institution ang ginagawan ng mga ganito?”
“That’s why Wikipedia is not a reliable resource.”
“Ang taba ng utak ng gumawa nito. True ano, may amnesia si gurl, kunwari walang martial law sa Pilipinas.”
“OMG!! Hahaha! Buti nga sa ‘yo, ateng, pabida ka kasi, interview for the sake of views, ‘di man lang maging sensitive sa mga families na victim ng martial law.”
“Kadiri. Tinalo pa mga DDS at Marcos loyalists ng mga supposedly mga may pinag-aralan at matatalino.”
“‘Di kasi uubra ‘yung 'my vlog, my rules' especially when you are raking in millions from that YouTube channel na may millions of followers. Then it is expected that people will hold you to be responsible with your content. Ang gusto ni Toni, eh, free siya from any form of accountability samantalang nagiging instrumento siya ng misinformation at historical revisionism. Even artistas nga, pati personal life nila, pinupuna dahil kesyo ‘di mabuting halimbawa sa younger fans. Why not Toni, ‘di ba?”
“Your point being? So, kailangan muna niya ng affirmation before siya puwedeng maglabas ng opinion at vlog? Kanino niya dapat ipa-approve kung katanggap-tanggap ba ang opinion niya? And you're the ones who dislikes fascist and tyrants. Take a look at yourself in the mirror. Mukhang hindi niya naman itinatago na Marcos supporter siya so bakit parang gulat na gulat kayo?!”
Naku, ang mga netizens talaga, ang daming time na mag-comment sa socmed!