ni Rohn Romulo @Run Wild | Nov. 20, 2024
Photo: Anne Jakrajutatip at Chelsea Anne Manalo - FB
Nagsalita na si Anne Jakrajutatip, ang founder and CEO ng JKN Global Group na current owner ng Miss Universe, tungkol sa concern ng Thai pageant fans.
Kinu-question kasi nila kung bakit ang pambato ng Pilipinas na si Chelsea Manalo sa katatapos lang na 73rd Miss Universe na ginanap sa Mexico City ang nakakuha ng Miss Universe-Asia, gayung umabot lang ito sa Top 30 at nalaglag nga sa Top 12.
Pinagtatalunan nila na dapat daw at mas deserving si Miss Thailand Suchata “Opal” Chuangsri, na nagtapos naman sa beauty pageant bilang 3rd runner-up.
Paliwanag ni Anne, “To inform you, the Philippines is an Asian country with the highest score from the preliminary round. It was clear from the beginning that we had four Queens from each region.
“Before the Top 30 Semifinals, we decided to announce this after the coronation to avoid influencing the judges’ scores.”
Dagdag pa niya, “Once again, this is not a placement but a promotion. The other four people were with us before the finals, and we knew them by their spirit, soul, attitude and sincerity as women.”
Marami naman ang natuwa sa parangal na ito para kay Chelsea dahil deserving talaga na mag-represent siya ng Asia. At marami talaga ang naniniwala na dapat ay nakapasok siya sa Top 5.
Usap-usap din ngayon sa pageant world ang nahagip na tsikahan sa media presentation ng new Miss Universe na si Victoria Kjær Theilvig na mula sa Denmark at 4 Continental Queens.
Ayon sa media, gandang-ganda sila sa face ni Chelsea at sa tingin nila, ang limang reyna na nasa harap nila ang ‘real Top 5’ ng Miss Universe.
Congrats, Chelsea, at dapat ngang maging proud sa kanya ang buong bansa. Deserve rin niyang mabigyan ng grand homecoming parade sa pagkakahirang sa kanya bilang first-ever Miss Universe-Asia.
Idol daw niya mula bata pa… SHARON, TUWANG-TUWA NA MAY SELFIE SILA NI BARRY MANILOW
TUWANG-TUWA nga si Megastar Sharon Cuneta na nakapanood siya ng concert ng kanyang idol na si Barry Manilow sa Westgate Las Vegas Resort & Casino International Theater.
Naisingit niya ito habang may US-Canada tour ang Dear Heart (DH) concert nila ni Gabby Concepcion.
Caption niya sa Instagram (IG) post kasama ang mga photos habang nasa audience: “Me at the Barry Manilow show last night! Singing, dancing, laughing, crying…OMG! @barrymanilowofficial Magical!!!”
May nauna pa siyang ipinost kung saan makikita na magkasama sila ni Barry sa naganap na photo-op after the concert, na labis niyang ikinatutuwa at ipinagmamalaking idol niya ang sikat na American singer-songwriter.
Caption ni Mega: “When you meet your childhood hero here and are waiting for the email with your photo from his people to come in, then your hero posts your picture on his page!!! Oh. Em. Gee. I love Barry Manilow! And will do so ‘til the day I die!! @barrymanilowofficial@chetcuneta @louieocampo.”
May nabasa kaming comment, na lahat na lang daw ay favorite ni Sharon.
Totoo naman, idol niya si Barry Manilow na napakaraming love songs noong '70s at '80s na minahal ng mga Pinoy. Kaya sa concerts at TV show ni Sharon, marami na siyang kinantang hits ni Manilow, na naging bahagi na ng kanyang buhay.
At bilang patunay at pagbabalik-tanaw, nag-post si Sharon na kumakanta ng hits ni Barry sa isa niyang concert. Mapapakinggan ang medley ng Ready To Take A Chance, Could It Be Magic?, If I Should Love Again, Somewhere Down The Road, Even
Now, Looks Like We Made It, This One's For You at I Write The Song.
Samantala, may last three shows pa sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa November 21 sa Club Regent Events Center, Winnipeg, Canada; November 23 sa Hawaii Convention Center at Chandos Pattison Auditorium sa Surrey, BC Canada.