top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 29, 2021




Mananatili hanggang sa ika-14 ng Mayo ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR) kabilang ang Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna upang matiyak ang patuloy na pagbaba ng COVID-19 sa bansa, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.


Aniya, "I’m sorry that I have to impose a longer… Modified Enhanced Community Quarantine kasi kailangan… Nag-spike ang infections at ospital natin, puno… Alam ko na galit kayo, eh, wala naman akong magawa."


Samantala, extended naman ang MECQ hanggang sa katapusan ng Mayo sa mga sumusunod pang lugar:

  • Apayao

  • Baguio City

  • Benguet

  • Ifugao

  • Kalinga

  • Mountain Province

  • Cagayan

  • Isabela

  • Nueva Vizcaya

  • Batangas

  • Quezon

  • Tacloban City

  • Iligan City

  • Davao City

  • Lanao del Sur

Ang mga hindi naman nabanggit na lugar ay nasa ilalim na ng modified general community quarantine (MGCQ) o ang pinakamaluwag na quarantine classifications.


Sa ngayon ay pumalo na sa 1,020,495 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa, kung saan 67,769 ang aktibong kaso, mula sa 6,895 na mga nagpositibo kahapon.


Nananatili namang Quezon City ang may pinakamataas na naitatalang kaso sa NCR.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 12, 2021




Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na naghahati sa mga lalawigan ng Rizal sa tatlong distrito, batay sa pinirmahan niyang Republic Act 11533.


Nakasaad sa bagong batas ang mga sumusunod na hatian sa bawat distrito:


Second legislative district

• Cardona

• Baras

• Tanay

• Morong

• Jala-jala

• Pililia

• Teresa


Third legislative district

• San Mateo


Fourth legislative district

• Rodriguez


Paliwanag pa ni Senator Francis Tolentino, “The move aims to help the local government units involved to better respond to the needs of the people and also help facilitate in the long-term rehabilitation and the capacity building efforts of the province following this pandemic.”


Batay sa tala, mahigit 2.9 million ang populasyon sa Rizal, kung saan 449,103 ang nasa ikalawang distrito, habang 252,527 naman ang nasa ikatlong distrito, at 369,222 ang nasa ika-apat na distrito.


Sa ilalim ng konstitusyon, ang lungsod na may mahigit 250,000 na residente ay pinapayagang magkaroon ng isang representante sa House of Representatives.


Sa ngayon ay kabilang ang Rizal sa mga lugar na isinasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 11, 2021



Ilalagay na sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang NCR Plus Bubble simula bukas, Abril 12 hanggang sa ika-30 ng Abril, ayon sa kumpirmasyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Linggo.

Kabilang din ang Santiago City, Isabela, Quirino province at Abra sa mga lugar na ilalagay sa ilalim ng MECQ.


Matatandaang ibinalik sa enhanced community quarantine (ECQ) ang buong NCR at mga probinsiya ng Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna nu’ng ika-29 ng Marso na dapat ay nagtapos noong Abril 4, subalit na-extend nang isa pang linggo.


Ngayong araw, Abril 11, nakatakdang magtapos ang dalawang linggong ECQ sa NCR Plus at simula bukas hanggang sa katapusan ng Abril ay ipapatupad na ang bagong quarantine classifications sa ilalim ng MECQ.


Ayon din kay Roque, bukas niya sasabihin ang mga bagong guidelines sa ilalim ng bagong quarantine classifications.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page