top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 19, 2023



Patay ang isang 23-anyos na estudyante na kinilalang si Mark Allen Tacbobo na tumatakbo bilang kagawad sa nalalapit na barangay elections matapos paulanan ng bala sa Initao, Misamis Oriental nitong Lunes, Oktubre 16.


Sa isang panayam kay Misamis Oriental Provincial Police Office Spokesperson Lieutenant Theofratus Pia, sinabi nito na ayon sa impormasyong kanilang nakalap, binaril ang biktima sa ulo ng dalawang hindi kilalang armadong suspek na sakay ng motorsiklo.


Nagtamo ng tatlong tama ng bala ng baril si Tacbobo na kumitil sa kanyang buhay.


Ngayon ay pinaghahanap pa rin ang mga suspek na agad namang nakatakas matapos ang insidente.


 
 

ni Jeff Tumbado | April 18, 2023



Atty. Gerome Tubig

Isang legal officer ng Pampanga provincial government ang sugatan makaraan siyang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga.


Patuloy na ginagamot sa isang ospital ang biktimang si Atty. Gerome Tubig.


Nabatid sa ulat ng San Fernando City Police Office (SFCPO), dumating ang biktima sakay ng kanyang kotse sa isang parking lot, alas-7:30 ng umaga ng Lunes, Abril 17, sa VL


Makabali Memorial Hospital sa B. Mendoza Road nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo at agad siyang pinaputukan ng ilang beses.


Nagtamo ng ilang tama ng bala ng baril sa katawan ang opisyal na agad isinugod sa pagamutan at kasalukuyang nasa Intensive Care Unit (ICU).


Mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng MacArthur Highway.


Subject ngayon ng malawakang pagtugis ng mga awtoridad ang mga salarin habang patuloy na iniimbestigahan ang pamamaril.


 
 

ni Gina Pleñago | February 21, 2023



Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.

Patay ang isang New Zealander nang pumalag sa mga holdaper na riding-in-tandem, sa Makati City kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Nicholas Peter Stacey, 34, binata, turista mula sa New Zealand, pansamantalang nakatira sa isang hotel sa Bgy. Palanan, Makati.

Isa sa mga suspek ay naka-half-face helmet habang ang isa ay walang helmet pero naka-face mask.

Ala-12:25 kamakalawa ng hatinggabi nang mangyari ang panghoholdap sa Bgy. Palanan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni Master Sgt. John Robert Baligod, ikinuwento ng nobya ng biktima na si Pamela Gaye Villonoza, 31, na bago ang insidente, bandang alas-11 ng gabi nang dumating sila sa hotel mula sa pamamasyal sa Palawan.

Plano umano nilang magpunta naman sa Batangas kaya nagkasundo na magtungo sila sa bahay niya upang kumuha ng mga damit at ipa-laundry ang mga ginamit nilang damit sa Palawan.

Habang naglalakad sa tapat ng Cash and Carry Mall, isang motorsiklo ang huminto sa tabi ni Villonoza, bumaba ang angkas saka tinutukan siya ng baril at nagdeklara ng holdap.

Ipinarada umano ng isa pang suspek sa ‘di kalayuan ang motor habang ang biktima ay tinangkang agawin ang baril ng suspek na naging dahilan upang siya ay barilin.

Matapos ang pamamaril ay tinangay ng mga suspek ang cellphone at wallet ni Villonoza bago tumakas.

Nabatid na dahil sa isang tama ng bala sa kaliwang dibdib, nasawi ang biktimang si Stacey.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page