top of page
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | March 23, 2024


Mahusay ang pagkakarenda ni class A rider Patty Ramos Dilema kay Hakeem kaya naman magaan din nilang nakuha ang panalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

 

Humangos na lumabas ng aparato si Eye In The Sky para hawakan ang bandera habang kalmado ang magkakamping sina Charm Campaign at Hakeem na nasa pangalawa at tersero puwesto ayon sa pagkakasunod.

 

Lamang ng apat na kabayo si Eye In The Sky sa kalagitnaan ng karera kina Charm Campaign at Hakeem.

 

Pagdating ng far turn ay nilapitan na nina Charm Campaign at Hakeem kasama sina King Tiger at Fortissimo si Eye In The Sky upang magkumpulan sa unahan papasok ng huling kurbada.

 

Sa rektahan inagaw ni Hakkem na nasa tabing balya ang unahan kay Eye In The Sky pero dikit pa rin nagkatalo kung saan isang kabayo lang ang agwat ng winning horse kay Eye In The Sky pagtawid sa meta.

 

Inirehistro ni Hakeem ang tiyempong 1:26 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ni winning horse owner Benjamin Abalos Jr. ang P11,000 added prize.

 

Si Abalos din ang breeder kaya sa kanya rin napunta ang premyong P4,500 para sa breeder ng nanalong kabayo, tig-P1,000 at P500 naman ang second at third.

 

Samantala, makikilatis ang tikas ni Prime Factor pagsalang nila sa PHILRACOM-RBHS na pakakawalan sa unang karera ngayong araw sa parehong lugar.

 

Sasakyan ni Mark Angelo Alvarez, makakatagisan ng bilis ni Prime Factor sina Sister Moon, Big Battle, Uncle Vhines, Hamlet, Shanghai Silk at Eye In The Sky sa distansyang 1,400 meter race. 

 

Mga Pili ni Green Lantern:

 

Race 1 - Prime Factor (1), Sister Moon/Big Battle (2/2A)

Race 2 - Moderne Stroke (2), Isla Puting Bato (4), Iikot Lang (7)

Race 3 - Coal Digger (3), Tool Of Choice (6), Sapin Sapin (2)

Race 4 - Sultanov (3), Money For Shelltex (6), Sir Jason (1)

Race 5 - Work From Home (4), Don Lucas (8), My Diamond (5)

Race 6 - Batang Cabrera (1), Added Haha (6), Mang Nano

Race 7 - Real Fair (5), Namaskar (1), Primero Soldado (8)

Race 8 - Agaron/Ninong (1/1A), Take A Chance (2), Bandido (11), Jubilum (9)

 

 

 

 

 

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | March 20, 2024


Nakaranas ng matinding bakbakan si Worshipful Master bago tinakas ang korona sa 2024 PHILRACOM "3-Year-Old Maiden Stakes race na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

 

Nakapanood naman ang mga kareristang sumaksi ng live sa karerahan ng matinding bakbakan at tagisan ng bilis sa unahan sa pagitan ng Worshipful Master at Primavera.

 

Humarurot agad sa unahan sina Worshipful Master at Primavera habang nakabuntot sa kanila sina The Dream at Regalberto.

 

Pero papalapit ng far turn ay one-on-one na lang sa unahan sina Worshipful Master na sinakyan ni MM Gonzales at Primavera na nirendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey-of-the-Year awardee Patricio Ramos Dilema.

 

Pagdating ng huling kurbada ay mainit pa rin ang labanan sa unahan nina Worshipful Master at Primavera kung saan ay lamang ang mga ito ng anim na kabayo sa tumeterserong si Hans City.

 

Nagpatuloy ang kayugan nina Gonzales at Dilema sa rektahan at sa huling 100 metro ng karera ay umungos na si Worshipful Master at nanalo ito ng may tatlong kabayo ang agwat sa pumangalawang si Primavera.

 

Inilista ni Worshipful Master ang tiyempong 1:26 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si James Anthony Rabano ang P720,000 na premyo.

 

Nasungkit ni Primavera ang P240,000 habang tig- P120,000 at P60,000 ang third at fourth placers na sina Da Compulsive at Regalberto ayon sa pagkakasunod. 

 

Ayon sa usapan sa karerahan, ilalaban sa mas malaking karera ang Worshipful Master kaya inaasahang ihahanda ito ng kanyang connections.

 

Ang nasabing karera ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon. 

 

Samantala, walong races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) noong Linggo kaya nasiyahan naman ang mga karerista sa kanilang pananaya. 

 

 

 

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | Marso 18, 2024


Nagpakitang-gilas sa rektahan si Graceful Gift matapos nitong manalo sa 2024 PHILRACOM 3-Year-Old & Above Maiden race na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Sabado ng hapon.


Nagmasid sa tersero puwesto si Graceful Gift sa kaagahan ng karera habang naglulutsahan sa unahan ang matutulin sa largahan na sina Victorious at Spirit Of Might.


Papuntang far turn ay kumuha na ng unahan si Spirit Of Might habang nasa pangalawa na si Golden Jaraywa pero ilang segundo lang ay kumapit na rin ang winning horse na si Graceful Gift.


Kaya naman pagsapit ng huling kurbada ay pangalawa na si Graceful Gift habang lamang ng tatlong kabayo sa unahan si Spirit Of Might.


Solo na tumatakbo sa unahan si Spirit Of Might sa rektahan pero sa huling 50 metro ng karera ay parang poste na nilampasan ni Graceful Gift ang una at nanalo ng may dalawang kabayo ang agwat.


Nirendahan ni Pabs Cabalejo, inirehistro ni Graceful Gift ang tiyempong 1:28.6 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Paolo Mendoza ang  P22k added prize.


Kinubra naman ng breeder ng nanalong kabayo ang P4,500 habang tig-P1k at P500 ang second at third ayon sa pagkakasunod.


Dumating na tersero si Ginger Cat habang pang-apat si Golden Jaraywa sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Samantala, walong races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) noong Sabado kaya nasiyahan ang mga karerista sa kanilang pananaya.


Tiyak na aabangan ng karerista ang susunod na takbo ni Graceful Gift ito'y dahil impresibo ang ipinakita nitong performance sa kanyang panalo. 

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page