top of page
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | Abril 7, 2024

 

Kikilatisin ang husay ni Every Sweat Counts pagsalang nito sa 2024 PHILRACOM - Cool Summer Farm Stakes race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas ngayong araw.


Rerendahan ni John Paul Guce, makikipagtagisan ng bilis si Every Sweat Counts kontra anim na tigasing kabayo sa distansiyang 1,600 meter race.


May nakalaan na guaranteed prize na P1,750,000 na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon. Hahamigin ng mananalong kabayo ang P600,000, ang ibang kalahok ay sina Unli Burn, Hans City, Louiseville, Boss Lady, Villa Lorelle at Warhammer.


Ayon sa komento ng mga karerista, posibleng maging hadlang sa pakay ni Every Sweat Counts ay ang magkakamping sina Hans City at Louiseville at Boss Lady.


Susungkitin ng second placer ang P400,000, mapupunta sa pangatlo ang P300,000 habang tig-P200,000, P150,000 at P100,000 ang 4th hanggang sixth ayon sa pagkakahilera.


Pasisibatin ang nasabing karera sa pangalawang race, may walong balanseng lineups ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo.


Samantala, isa rin sa aabangan ng mga karerista ay ang bakbakan ng anim na kabayo sa White Castle Stakes Race na ilalarga naman sa pangatlong karera.


Mag-uunahan sa finish line sina Perfect Delight, Prime Factor, Platinum Frolic, Senshi Spirit, Treasure Hunting at Pharoahs Treasure.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Pulang Lupa (5), Buntay Shore (3)

Race 2 - Every Sweat Counts (2), Boss Lady (4), Hans City/Louiseville (3/3A)

Race 3 - Prime Factor (2), Pharoahs Treasure (6)

Race 4 - Seven Of Diamonds (6), Axis Deviation (4), Laguna De Bay (2), Malibu Bell (5) Race 5 - Superhawk (1), Barayong (2), My Dad Bogart (7), Mooney Money Man (3) Race 6 - Heavy Weight (1), Lucky Fortune (6), Bantay Sarado (2), Danueis son (9) Race 7 - Petron (12), Work From Home (8), Grand Monarch (2), Arogante (1)

Race 8 - Electrify (5), Carmela's Love (11), High Roller (1), Badboy MJ (7)

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | Abril 6, 2024

 

Makikipagtagisan ng bilis ang magkakamping sina Essential Lady at Birchton sa magaganap na 3-Year-Old & Above maiden race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, ngayong araw.


Rerendahan ni class A rider O'Neal Cortez si Birchton habang si AP Asuncion ang gagabay kay Essential Lady sa distansiyang 1,400 meter race.


May nakalaan na P22,000 added prize, ang ibang haharurot sa pista ay sina Tawi Tawi Island, American Ford, Watch Bell, Sunny Nature, Leviathan, Monrovian Belle, Breakthrough at Da Compulsive.


Base sa komento ng mga karerista, posibleng magpakitang-gilas ang mga kalahok na sina Watch Bell, American Ford at Leviathan sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon. Kukubrahin din ang breeder ng mananalong kabayo ng P4,500 habang tig-P1,000 at P500 ang second placers at third ayon sa sa pagkakasunod.


Walong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong Sabado kaya masaya na naman ang paglilibang ng mga karerista.


Samantala, tiyak na aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng 11 na tigasing kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa Race 5.


Ang mga kasali ay sina Queen Of The Nile, Ridgers, Save My Savings, Magandang Dilag, Fortissimo, Tugatog, Batang Cabrera, Full Combat Order, Wild Is The Wind, Moon River, Hook On D Run, Money For Gabriel, Graceful Gift at Golden Opportunity. 


Mga PIli ni Green Lantern:


Race 1 - Essential Lady/ Birchton (3/3A), Watch Bell (4), Monrovian Belle (8)

Race 2 - Honey Ryder (5), Charm N Luck (4), Double Rock (2)

Race 3 - Cool Mom (5), Step Bell (4), iron Hook (8), Gee's City, (9)

Race 4 - Lucky Noh Noh/Magnolia Yana (2/2A), Isla Puting Bato (11), Seychelles (5), Stripe Of Pink (4)

Race 5 - Batang Cabrera (6), Moon River (10), Queen Of The Nile/Ridgers (1/1A), Fortissimo (4)

Race 6 - King Tiger (4), Simply Jessie/American Dream (2/2A), Daily Burn (9), Elegant Lady (10)

Race 7 - Early Bird (2), Aphrodite/One Of A Kind (1/1A), Captain Det Det (7), Jawo (12)

Race 8 - Dona Chichay (11), Golden Sunrise (12), Captain Bob (1), Rocking Bell (14) 

 

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | Abril 4, 2024

 

Masasaksihan ng mga karerista ang future champions paglarga ng 2024 PHILRACOM "Road to Triple Crown Stakes Race" na ilalarga sa April 14 sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Nagsaad ng pagsali ang pitong tigasing batang kabayo sa karerang may distansiyang 1,600 meter race kung saan ay nakalaan ang P1M guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.


Lalahok ang isa sa tigasing kabayo na si Ghost na sasakyan ni reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee John Alvin Guce.


Mag-uuwi ang mananalong kabayo ng P600,000, ang ibang makikipagtagisan ng bilis ay sina Added Haha, Batang Manda, Heartening To See, Jeng's Had Enough, Over Azooming at Sting.


Posibleng magpakitang-gilas ang kalahok na si Batang Manda na pag-aari ni Benjamin Abalos at gagabayan ni dating PSA-JoY Patricio Ramos Dilema, ayon sa komento ng mga karerista. 


Kakalawitin ng second placer ang P200,000, mapupunta ang P100,000 sa pangatlo habang tig- P50,000, P30,000 at P20,000 ang fourth hanggang sixth ayon sa pagkakahilera.


Sisikwatin din ang breeder ng mananalong kabayo ng P50,000 at tig-P30,000 at P20,000 ang second at third.


Samantala, kakargahin ng fillies ang 52 kilograms habang 54 kilograms ang papasanin ng colts sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon. Tiyak na naghahanda na ng todo ang mga kabayong sasali upang makuha ang inaasam na premyo.  

 

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page