top of page
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | Abril 14, 2024

 

Puntirya ni Prime Factor na ikahon ang back-to-back wins ngayong buwan ng Abril paglahok nito sa NPJAI - KRAH Asian Inc. Special Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Sumalang sa pista nakaraan si Prime Factor at nasungkit niya ang korona sa White Castle Stakes Race, impresibo ang ipinakitang performance nito kaya tiyak na markada siya ng mga liyamadista paglarga ng karera sa unang race ngayong alas-4:30 ng hapon.


Sasakyan muli ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez si Prime Factor para makipagtagisan sa anim pang tigasing kalahok sa distansiyang 1,400 meter race.


Nakalaan na added prize na P15,000 na ikakalat sa unang tatlong kabayong tatawid sa meta sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Makakatagisan ng bilis ni Prime Factor sina Euroclydon, Senshi Spirit, Pharoahs Treasure, Perfect Delight, Platinum Frolic at Gusto Mucho sa karerang may karagdagan pang P11,000 sa mananalong kabayo.


Inaasahang maging mahigpit na karibal ni Prime Factor ay sina Gusto Mucho at Pharoahs Treasure na gagabayan ni reigning PSA-JoY John Alvin Guce.


"Sobra galing ni Prime Factor ngayon kaya tingin ko makakaulit ng panalo," pahayag ni Carmelo Legaspi, veteran karerista.


Kukubra rin ang breeder ng mananalong kabayo ng P4,500 habang tig-P1,000 at P500 ang second at third ayon sa pagkakasunod.


Siyam na karera ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo kaya tiyak na masaya na naman ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


Aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng pitong batang kabayo sa 2024 PHILRACOM "Road to Triple Crown Stakes Race", pakakawalan ito sa pangalawang karera. 


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 -  Prime Factor (5), Pharoahs Treasure (3), Gusto Mucho (7)

Race 2 - Batang Manda (2), Ghost (1), Added Haha (6)

Race 3 - Ariana (5), Antique Collector (2), Yakapin Mo Ako (6)

Race 4 - Ninong/Agaron (3/3A), Graceful Gift (7), Luke Skywalker (1)

Race 5 - Malabon King (6), Bocaue Rivertown (3), Iceman (10), Boni Avenue (2)

Race 6 - Smarty Jas (11), Laughing Inside (5), Ang Bigote (1), Raxa Bago (10)

Race 7 - Petron (4), Easy Way (6), Bisyo Magserbisyo (8), Vavavoom (1)

Race 8 - Sun Dance (7), Yabadabadur (11), El Mundo (5), Dont Stop Believin (1)

Race 9 - Sultanov (7), Make A Diffrence/Color Blast (3/3A), My Star (12), Money For Shelltex (2)

 

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | Abril 13, 2024

 

Tiyak na makakakuha ng malaking suporta sa liyamadista ang kalahok na Batang Manda pagsalida nito sa 2024 PHILRACOM Road to Triple Crown Stakes Race na ilalarga sa Linggo sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Sasakyan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema ang Batang Manda na pag-aari ni Benjamin Abalos.


Ang ibang nagsaad ng pagsali sa distansiyang 1,600 meter race ay ang Added Haha, Ghost, Heartening To See, Jeng's Had Enough, Over Azooming at Sting.


May nakalaan na garantisadong premyo na P1-M na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta sa nasabing event.


Susungkitin ng mananalong kabayo ang P600,000 sa karerang binasbasan ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Posibleng magpakitang-gilas ang kalahok na Ghost na sasakyan ni reigning PSA-JoY John Alvin Guce, ayon sa komento ng mga karerista.


Pipitasin ng 2nd placer ang P200,000, mapupunta ang P100,000 sa pangatlo habang tig-P50,000, P30,000 at P20,000 ang 4th hanggang sixth ayon sa pagkakahilera.


Mag-uuwi naman ang breeder ng mananalong kabayo ng P50,000 at tig-P30,000 at P20,000 ang second at third.


Samantala, papasanin ng fillies ang 52 kgs habang 54 kgs ang kakargahin ng Colts sa karerang inihanda ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI)


Paniguradong naghahanda na ng todo ang mga kabayong sasali upang makuha ang pinupuntiryang premyo. 

 

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | Abril 11, 2024

 

Mapapanood  ng mga karerista ang banatan ng posibleng maging  champion horse paglarga ng 2024 PHILRACOM "Road to Triple Crown Stakes Race" na ilalarga darating na Linggo sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


May distansyang 1,600 meter race, pitong mahuhusay na batang kabayo ang nagsaad ng paglahok sa karerang nakalaan ang P1-M guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.


Isa sa matinding kasali ay ang Ghost na sasakyan ni reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee John Alvin Guce.


Susungkitin ng mananalong kabayo ang P600,000, ang ibang makikipagtagisan ng bilis ay ang Added Haha, Batang Manda, Heartening To See, Jeng's Had Enough, Over Azooming at Sting.


Base sa komento ng mga karerista, posibleng magpakitang-gilas ang Batang Manda na pag-aari ni Benjamin Abalos at gagabayan ni dating PSA-JoY awardee Patricio Ramos Dilema.


Hahamigin ng second placer ang P200,000, mapupunta ang P100,000 sa pangatlo habang tig- P50,000, P30,000 at P20,000 ang fourth hanggang sixth ayon sa pagkakahilera.


Mag-uuwi rin ang breeder ng mananalong kabayo ng P50,000 at tig-P30,000 at P20,000 ang second at third.


Samantala, kakargahin ng fillies ang 52 kilograms habang 54 kilograms ang papasanin ng Colts sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon. 

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page