top of page
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | Abril 20, 2024

 

Masisilayan  ng mga karerista ang husay ni Creation Of Adam pagsalang nito sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, ngayong araw.


Sasakyan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema, makakatagisan ng bilis ni Creation Of Adam ang anim pang batang kabayo sa distansiyang 1,400 meter race.


May nakalaan ang P22,000 added prize ang ibang kalahok ay sina Rock Hard Nine, Service De Luxe, American Ford, Bread N Butter, Tawi Tawi Island at Mink Coat.


Posibleng maging hadlang ni Creation Of Adam sa inaasam na panalo ay sina Rock Hard Nine at Service De Luxe.


"Magaling na kabayo sina Rock Hard Nine at Service De Luxe kaya posible nilang masilat si Creation Of Adam," saad ni Victor Legaspi veteran karerista. Hahamigin ng breeder ng mananalong kabayo ang P4,500 habang tig- P1,000 at P500 ang second at third ayon sa pagkakasunod. Pasisibatin ang nabanggit na karera sa Race 2, kung saan ay suportado ito ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Samantala, 7 races ang ilalarga ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong Sabado kaya naman tiyak na masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang. 


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Laughing Tiger (1), Double Strike (4)

Race 2 - Creation Of Adam (2), Rock Hard Nine (1), American Ford (4)

Race 3 - Oradas Gray (6), Don Pedro (4)

Race 4 - Rise Up (6), Lady Of Peace (4)

Race 5 - Matikas (4), Queen Gabi (2)

Race 6 - Performance Gear/Mythic Layla (6/6A), Moment Of Truth (2), Caring Melody (3)

Race 7 - One Of A Kind (6), Go Gee Go (5), Double Happiness (3)    

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | Abril 19, 2024

 

Masisilayan ng mga karerista ang tikas ni Leviathan pagsalang nito sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas ngayong araw.


Rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema, makakatagisan ng bilis ni Leviathan ang pitong tigasing kalahok sa distansiyang 1,200 meter race.


May nakalaan na P22,000 added prize, ang ibang kalahok ay sina Wide Oval, Bagsikatdin, Chiller, Amazing, Golden Petita, Ten Dash Line at Flashy Bell sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Ayon sa komento ng mga karerista, mahirap mamili ng tatayaang kabayo dahil mga bata ang mga kalahok at wala pang mga pruweba.


Isa sa posibleng magbigay ng magandang laban kay Leviathan ay sina Flashy Bell at Golden Petita. Kukubrahin ng breeder ng mananalong kabayo ang P4,500 habang tig-P1,000 at P500.00 ayon sa pagkakasunod.


Samantala, walong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes kaya masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


Magsisimula ang unang race sa alas-5 ng hapon. 


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1 - Leviathan (3), Flashy Bell (8), Chiller (5)

Race 2 - Tiago's Angel (4), Gossip (1), 

Race 3 - Mount Piapayungan (3), Kaboom (5), Animo La Salle (7)

Race 4 - Jean Genie (4), Meghan Maxene (6), Tawi Tawi (8), Dynamic Dyna (2)

Race 5 - Smiling Lady (8), Munich (7), Lemon Bell (4), Iris (9)

Race 6 - Etnad (3), Tokyo Tokyo Rumba (1), Iron Hook (4), Manila Boy (2)

Race 7 - Superhawk (3), Den Deren Denden (2), I Love Matty (6), Habulin (4)

Race 8 - Early Bird (6), Pendant (1) Kingwash Koh (8), Majestic Star (10), 

 

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | Abril 17, 2024

 

Kuwentuhan sa social media ang impresibong pagkakapanalo ng Batang Manda noong Linggo sa naganap na 2024 PHILRACOM "Road to Triple Crown Stakes Race" sa Metro turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Marami ang nakasaksi sa husay ng Batang Manda kaya ayon sa  mga karerista na posibleng dominahin ng nabanggit na kabayo ang tatlong legs ng nasabing prestihiyosong karera para sa mga batang kabayo. "Grabe, napakahusay ni Batang Manda, kung 'yan ang magiging line-up sa Triple Crown ay tiyak na sweep 'yan," pahayag ni Carlito Legaspi, veteran karerista.


May apat na kabayo ang agwat ng Batang Manda sa Added Haha nang tawirin nito ang finish line, inilista ng pambato ni Benjamin Abalos ang tiyempong 1:41.6 minuto sa 1,600 meter race.


Si Heneral Kalentong na pag-aari rin ni Abalos ang huling kabayong naka-sweep ng Triple Crown series noong 2020.


Simula noong 1978 may 12 kabayo pa lang ang nakakawalis ng Triple Crown Series ito'y sina Fair And Square (1981), Skywalker (1983), Time Master (1987), Magic Showtime (1988), Sun Dancer (1989), Strong Material (1996), Real Top (1998), Silver story (2001), Hagdang Bato (2012), Kid Molave (2014), Sepfourteen (2017) at Heneral Kalentong (2020).


Samantala, tiyak na si dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema ang gagabay sa Batang Manda. Ginabayan ni Dilema ang Batang Manda sa Road to Triple Crown. 

 

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page