top of page
Search

by Info @Brand Zone | Nov. 6, 2024



Hindi na nila kinakailangan pang umabot ng 100 taong gulang para lamang makatanggap ng cash gift galing sa ating pamahalaan.


Magandang balita para sa ating mga lolo at lola! Sa Enero, ilalabas na ang pondo para sa kanilang dagdag na benepisyo. Ayon kay Senador Ramon Bong Revilla, Jr. na pangunaging nagsulong ng Republic Act No. 11982 o “Expanding the Coverage of Centenarians Act”, libo-libong mga lolo at lola ang makikinabang oras na ilabas na ang pondo para dito.


Sakop nito ang ating mga lola at lola na may edad na 80, 85, 90 at 95 at sila ay tatanggap ng P10,000 batay sa isinulong na batas ni Revilla. Patunay ito ayon sa mambabatas na tuloy ang trabaho sa Senado at hindi siya nagbubutas ng bangko.


"Layon po ng batas na ito na mapaaga ang pagbibigay natin ng benepisyo para sa ating mga lolo at lola. Hindi na nila kinakailangan pang umabot ng 100 taong gulang para lamang makatanggap ng cash gift galing sa ating pamahalaan. 80 pa lang, bibigyan na natin sila agad. Pagdating ng 85, 90, at 95, bibigyan ulit natin sila. At kung ipagkaloob ng Panginoon na sila ay umabot ng isang daang taon, bibigyan natin sila ng mas malaking halaga bilang pagkilala sa kanilang narating,” saad ni Revilla.



 
 

by Info @Brand Zone | Oct. 28, 2024




Personal na Nakiramay si Senador Ramon Bong Revilla Jr sa mga kababayang namatayan at sinalanta ng bagyong Kristine nang magtungo ito sa Naga at iba't ibang bayan sa Camarines Sur.


Ayon kay Revilla, nakikidalamhati sya sa masakit at Matinding pagsubok na sinapit ng mga kababayan sa Naga.


“mula po sa akin, kasama na ang aking pamilya, ay gusto ko pong ipaabot sa inyo aming mahigpit na pagyakap! Hindi po kayo nag-iisa sa mga panahon na to. Kasama niyo kaming titindig para sa inyong muling pagbangon,” ani Revilla.


Sa buong Bicol Region, aabot sa 28 katao ang namatay habang 78 lügar ang isinailalim sa state of calamity.


Hinimok ni Revilla ang mga kababayan na sa Kabila ng trahedya, wag mawalan ng pag-asa at sama samang bumangon.


“Napakahirap po ng pinagdaan ng bawat isa. Sobrang nakakahabag ng puso ang sinapit ng ating mga kababayan. Nakakalungkot. Sa totoo lang po, hindi ko lubos maisip ang tindi at hirap na nararanasan ngayon. Ang sakit isipin ang sinapit ng ating mga kababayan, ayon pa sa Senador.


Kanina personal na nag abot si Revilla ng tulong sa mga kababayang sinalanta ng bagyo


Namahagi sya ng mga tubig, relief packs at iba pang pagkain para sa mga kababayan


Natagalan Aniya ang pagdadala ng tulong dahil madami pang kalsada at tulay ang nasıra at hindi madaanan dahil sa hagupit ni Kristine.


“Basta tatandaan niyo po, hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Tuloy po ang buhay at hindi po kayo mag–iisa sa pagbangon at muling pagsisimula” dagdag pa ni Revilla.

 
 

by Info @Brand Zone | Oct. 24, 2024




Nagpaabot na si Senador Ramon Bong Revilla ng tulong para sa mga kababayang hinagupit ng Bagyong Kristine sa Bicol region.


Sa Facebook Live ni Senador Ramon Bong Revilla, ipinakita nya ang bayanihan truck na punong puno ng relief goods na bumiyahe na ngayong gabi (Oct. 23) patungo sa mga kababayang sinalanta ng bagyo.


Unang bibigyan ng tulong ang mga taga Naga na isa sa mga matinding tinamaan ng bagyo.


Nakadepende ayon kay Revilla ang paghahatid ng tulong sa lagay pa rin ng panahon at kung passable na ba ang mga kalsada at tulay doon.



Marami kasi aniyang tulay at kalsada ang sinira dahil sa mga landslide at umagos na lahar dahil sa malakas na buhos ng ulan na dala ni Kristine.


May inaayos pa aniyang mga relief packs ang kaniyang tanggapan para naman sa iba pang lugar na tinamaan rin ng bagyo.


Umapila naman si Revilla sa mga kaibigan at sa publiko na tumulong sa bayanihan para sa mga kababayan na nawalan ng tahanan at ari arian dahil sa bagyo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page