ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | February 29, 2024

May lumabas na balita kamakailan na nakikipagbalikan si Kylie Padilla kay Aljur Abrenica, ama ng mga anak niyang sina Alas at Axl.
Kaya, tinanong ni Morly Alinio sa ama ni AJ Raval na si Jeric Raval, kung ano ang estado ng relasyon ngayon ng anak niya sa actor.
Kaswal na sagot ng action star, “Hindi naman. Lagi silang magkasama araw-araw. 'Pag uuwi ng Pampanga ‘yung isa, nasa Pampanga rin ‘yung isa. Kung saan nauwi ‘yung isa, nandu’n ‘din ‘yung isa. Hindi naman sila naghihiwalay, eh.”
Kung tama ang pagkakaintindi namin, magka-live-in na sina AJ at Aljur dahil sa sinabi ni Jeric na "Kung saan nauwi ‘yung isa, nandu’n din ‘yung isa, hindi naman sila naghihiwalay."
Ang tanging pakiusap lang daw ni Jeric kay Aljur ay, “Pakasalan niya ang anak ko pagkatapos ng problema niya. Alam na niya ‘yun kung ano ang dapat niyang ayusin.”
Sa vlog ni Morly na in-upload sa YouTube channel, mapapanood ang kabuuan ng panayam niya kay Jeric.
Natanong din na tila hindi aktibo ngayon si AJ sa paggawa ng pelikula.
“Parang gusto muna niya kasing magpahinga. Ano kasi, ‘yung batang ‘yun, eh, ayaw niya ng naba-bash siya. Meron siyang ganu’ng factor, 'pag napupulaan siya, nagkakaroon siya ng lack of interest sa lahat ng bagay,” pag-amin ng ama ng aktres.
Dagdag pa, “Babalik pa naman ‘yan, magpapahinga lang siguro.”
‘Di pa raw hiwalay, may pinagdaraanan lang…CATRIONA, ‘DI IBINALIK ANG ENGAGEMENT RING KAY SAM

Tinuldukan na ng management agency nina Sam Milby at Catriona Gray, ang Cornerstone Entertainment, ang umugong na balitang hiwalay na ang dalawa na base sa report ni Ogie Diaz sa kanyang vlog kamakailan.
Nag-reach out kami kay Erickson Raymundo, ang presidente at CEO ng Cornerstone Entertainment nu’ng Linggo (Pebrero 25), at ang sabi niya’y nasa ibang bansa siya at hindi pa nakakausap sina Sam at Catriona.
At kahapon nang tanghali ay pormal nang nag-post sa social media account ng Cornerstone Entertainment ng official statement tungkol sa isyung hiwalay na sina Sam at Cat.
Ang nilalaman ng official statement:
“We at Cornerstone, as the talent management agency representing artists Sam Milby and Catriona Gray, would like to address the recent rumors surrounding their relationship.
“While it is true that Sam and Catriona are currently facing some challenges in their relationship, they are actively working on resolving these issues together.
“We kindly request that everyone respect their privacy during this time as they navigate through this situation.
“We appreciate the concern and well-wishes from all those who have shown support for the couple.”
Siyempre, nagbaka-sakali kami kung ano ba ang pinagdaraanang challenges nina Sam at Catriona, at paano na ang kasal na nakatakda ngayong taon sa ibang bansa?
Sagot lang sa amin ng taga-CS (Cornerstone), “We respect their privacy.”
Wala ring balitang isinoli ni Catriona ang engagement ring, kaya posibleng maayos pa nila, ani Samuel Lloyd (real name ni Sam) kung anuman ang issues nilang dalawa.
By the way, may mga nabasa kaming na-fall out of love na raw si Sam kay Catriona.
Hindi totoo ‘yun dahil kilala namin ang aktor na hindi ito kaagad napo-fall out of love.
Kaya nga siya natatagalang magkaroon ng karelasyon pagkatapos ng breakup, dahil gusto niyang maka-recover muna at hindi masabing on the rebound ang bagong makakarelasyon.