ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | May 31, 2021
Pagkatapos ng COVID-19 pandemic ay ang mga bansang Switzerland, Greece, Turkey, Vietnam, Iceland at Finland ang gustong puntahan ni Bea Alonzo at sobrang nami-miss na raw niya ang mag-travel.
Sa kanyang latest vlog sa YouTube channel niya ay binanggit niya ang Top 10 travel destinations niya dahil lahat ay may mga magaganda siyang alaala.
“I miss to travel na dire-diretso ang flight, I miss meeting new people, learn about different cultures and being able to try new cuisines. So I create video for my top 10 destinations,” sabi ng dalaga.
Ang City of Love na Paris, France ang una niyang sinabi dahil nami-miss niya ang magagandang tanawin doon at uminom ng masarap na kape at wine, kumain ng baguette at croissant bread with butter.
Hindi niya malilimutan ang Notre Dame Cathedral dahil dapat ay kasama niya ang boyfriend niya noon na pumunta, pero hindi natuloy dahil nag-break na sila.
Ang Dubai ang isa sa mga gusto niyang balikan dahil ang daming Pinoy na mababait, plus type niya ang Desert Safari, at aniya, “You can see the dune, go on Camel rides, food nila, super-sarap, Henna painting, Burj Khalifa, tallest building in the world, Burj Al Arab, the only 7-star hotel in the world, and I also love their shopping mall — the Dubai Mall, largest mall in the world na may malaking aquarium na I can see underwater sea creatures. Nagpa-picture rin ako at Jumeirah Beach.”
Hindi rin niya malimutan na inubos ng nanay niya ang talent fee niya para mamili ng ginto roon dahil mura, at ang ending, limang araw sila sa Dubai na walang pera at si John Lloyd Cruz ang sumagot lahat ng pagkain nila na binayaran din naman pagdating nila ng Manila.
Sumunod ang Prague (Czech Republic) at sa ganda ng lugar, sabi ng aktres, “Dapat pagpunta ko ru’n, kasama ko na ang special someone ko, hahaha! Ang baduy?”
Isa rin sa mga memorable sa kanya ang Germany dahil doon sila nag-shoot ng Love to Last with Kuya Ian (Veneracion).
Aniya, “Hindi ko alam kung dahil sa Germany o dahil ang saya-saya ng grupo namin. Munich is so beautiful. Nag-shoot kami November, so may mga Christmas Village and the most beautiful I’ve seen in my life.”
Maraming lugar pa sa Germany ang binanggit ng aktres na sabi niya, must-see kapag may mga anak na para malaman ang history nito.
Ang Copenhagen, Denmark ang tinawag niyang happiest country dahil sa half system on education.
“Almost free mong makukuha though they pay the highest taxes in the world but nakukuha naman nila pabalik ‘yung benefits,” sey pa ng aktres.
Next ang Amsterdam, at binanggit din ni Bea na pangarap nila ng nanay niyang magkaroon ng property sa Japan dahil gusto nito ang klima at mga lugar at masasarap na pagkain.
Ang Vienna (Austria) ay ang pang-walo sa listahan ni Bea.
Aniya, “I went to Vienna for A Beautiful Affair with John Lloyd. I fell in love immediately of the place, it’s the home of Mozart (composer). Nag-shoot din kami kung saan nag-shoot ang Sound of Music kaya feeling ko, ako si Julie Andrews.”
Sobrang linis daw sa Oslo, Norway na pang-siyam niya.
“Kasi napakalinis nila. Pagdating ko roon, kasi uhaw na uhaw ako and I was asking for water and they found ridiculous for me to ask water because apparently, they drink their water from the faucet, ganu’n siya kalinis. And I also able to see the Northern Lights in Tromso so I will never forget that.”
At ang pinakahuli ay ang Florence, Italy.
Aniya, “I fell in love with the place. I don’t know why. Parang lahat, comforting sa akin. It says art, gelato, pasta. Lahat ng artists, doon sa street nagpe-perform, nagpe-paint. Lahat ng kinainan namin, masarap.”