top of page
Search

ni Lolet Abania | March 3, 2022



Maraming lugar sa baybaying bahagi ng Visayas at Mindanao ang nananatiling positibo sa paralytic shellfish poison o red tide toxin na sinasabing “beyond the regulatory limit,” o lagpas sa itinakdang limitasyon, ayon sa report ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).


Base sa kanilang latest shellfish bulletin, sinabi ng BFAR na lahat ng uri ng shellfish at acetes, kilala rin sa tawag na alamang, na nakolekta mula sa mga sumusunod na lugar ay hindi ligtas na kainin:

• coastal waters ng Milagros sa Masbate

• coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol

• Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur

• Litalit Bay, San Benito sa Surigao del Norte

• Lianga Bay sa Surigao del Sur


Gayunman, ayon sa ahensiya na ang iba pang seafood bukod sa shellfish na nakuha mula sa mga naturang lugar ay ligtas namang kainin.


“Fish, squids, shrimps and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,” pahayag ng BFAR.


Samantala, binanggit naman ng BFAR na sa ngayon ang coastal waters ng Bataan, kabilang na ang Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay, at Samal ay ligtas na at wala nang toxic red tide.


 
 
  • BULGAR
  • Dec 11, 2021

ni Lolet Abania | December 11, 2021



Nag-isyu ng isang red tide notice ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Biyernes sa maraming coastal areas, kung saan ang mga shellfish ay nagpositibo sa test sa paralytic shellfish poison na mataas pa sa pinapayagang limit nito.


Base sa latest shellfish bulletin data ng BFAR, lahat ng uri ng shellfish at acetes o kilala sa tawag na alamang ay hindi ligtas na kainin na makukuha sa mga sumusunod na lugar:

• Coastal waters ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay, at Samal sa Bataan

• Coastal waters ng Milagros sa Masbate

• Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol

• Carigara Bay sa Leyte

• Coastal waters ng Leyte, Leyte

• Coastal waters ng Guiuan at Matarinao Bay sa Eastern Samar

• Dumanquilas Bay sa Zamboanga del Sur

• Litalit Bay, San Benito sa Surigao del Norte

• Lianga Bay sa Surigao del Sur



“Fish, squids, shrimps and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,” pahayag ng BFAR.


Samantala, ayon sa ahensiya, ang coastal waters ng Baroy sa Lanao del Norte sa ngayon ay free-red tide na.


 
 
  • BULGAR
  • Nov 14, 2021

ni Jasmin Joy Evangelista | November 14, 2021



Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko matapos itaas sa red tide alert ang mga coastal areas sa siyam na probinsiya.


Kabilang sa mga lugar na nakitaang positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide na lagpas sa regulatory limit ang coastal waters sa Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, at sa Biliran island.


Apektado rin ng red tide ang coastal waters sa Daram island, Maqueda, Cambatutay, Irong-irong at San Pedro bays sa Western Samar,

gayundin sa Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte, Matarinao Bay sa Eastern Samar, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, coastal waters ng Baroy sa Lanao del Norte at Lianga Bay sa Surigao del Sur.


Mayroon ding mga coastal waters sa Bataan ang apektado ng red tide toxin kabilang ang Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, hermosa, Orani, Abucay at Samal.


Paalala ng BFAR, lahat ng uri ng shellfish at alamang na makukuha mula sa mga nabanggit na lugar ay hindi ligtas kainin maliban na lamang sa mga isda, pusit, hipon, at crabs basta siguruhing sariwa, nahugasang mabuti, at natanggal ang lamang loob bago lutuin.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page