top of page
Search
  • BULGAR
  • Oct 8, 2023

ni Mai Ancheta @News | October 8, 2023




Positibo sa red tide toxin ang ilang baybaying dagat sa Visayas at Mindanao.


Ito ang inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) bilang babala sa mga residenteng nakatira sa mga lugar na nakitaan ng kontaminasyon.


Kabilang sa mga baybaying kontaminado ng red tide toxins ang Sapian Bay, Roxas City, President Roxas, Panay at Pilar sa lalawigan ng Capiz.


Hindi rin ligtas kainin ang mga shellfish sa Gigantes Islands at bayan ng Carles sa Iloilo, gayundin sa Dauis at Tagbilaran sa Bohol.


Kontaminado rin ng red tide ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga del sur kaya pinaalalahanan ng BFAR ang mga residente ng lugar na iwasan muna ang pagkain ng tahong, talaba at iba pang uri ng shellfish gayundin ang alamang upang masiguro ang kaligtasan.


Pero nilinaw ng BFAR na ligtas kainin ang isda, pusit, hipon at talangka basta alisin ang mga laman-loob at lutuing mabuti ang mga ito.



 
 
  • BULGAR
  • Sep 21, 2023

ni Mai Ancheta @News | September 21, 2023




Inalerto ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko na mag-ingat sa pagkain ng shellfish dahil sa red tide sa walong lugar sa bansa.


Batay sa red tide alert na inilabas ng ahensiya nitong Miyerkules, positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) ang nakuhang samples sa walong lugar at lagpas sa toxic red tide regulatory limit.


Kabilang sa mga baybaying natukoy na kontaminado ng red tide ay Sapian Bay; Panay; Pilar; President Roxas; Roxas City sa Capiz; Gigantes Islands sa Iloilo; Dauis at Tagbiliran City sa Bohol; Dumanquillass Bay sa Zamboanga del Sur.


Babala ng BFAR, lahat ng shellfish at alamang na nakukuha sa nabangit na mga lugar ay hindi ligtas kainin.


Ligtas namang kainin ang sariwang isda, pusit, hipon at talangka subalit kailangang alisin ang mga lamanloob at hugasang mabuti bago lutuin.


Ang mga sintomas ng nakakain ng may red tide toxins ay pagkahilo, pamamanhid ng

katawan, respiratory paralysis, tila napapaso ang pakiramdam at tingling sensation.



 
 
  • BULGAR
  • Sep 10, 2023

ni BRT @News | September 10, 2023




Inanunsyo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na siyam na lugar sa bansa ang napag-alamang positibo sa toxic red tide.


Ayon sa BFAR, ang mga shellfish na nakolekta mula sa mga sumusunod na lugar ay natagpuang positibo para sa paralytic shellfish poison toxic red tide na lampas sa limitasyon ng regulasyon:


Kabilang dito ang baybaying tubig ng Altavas, Batan, at New Washington sa Batan Bay, Aklan; Sapian Bay; Panay, Capiz; Pilar, Capiz; President Roxas, Capiz; Coastal waters ng Roxas City, Capiz; Gigantes Islands, Carles, Iloilo; Dauis at Tagbilaran City, Bohol, at Dumanquillas Bay, Zamboanga del Sur.


Ang lahat umano ng uri ng shellfish at alamang na nakukuha mula sa lugar ay hindi ligtas para kainin.


Gayunman, itinuturing na ligtas na kainin ang mga isda, pusit at alimango basta sariwa at hinugasang maigi bago iluto.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page