top of page
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 4, 2020




Sa dami ng tagahanga at YouTube subscribers ng broadcast journalist na si Raffy Tulfo, tiyak na malaki ang chance niyang manalo sa anumang posisyon sa darating na 2022 elections. Kahit nga raw sa pagka-senador pa siya kumandidato ay tiyak na makalulusot ito.


Pero todo-tanggi si Idol Raffy na may political agenda siya kaya panay ang tulong sa mga taong nagpupunta sa kanyang radio show sa TV5. Sinsero raw ang kanyang layunin na makatulong na lutasin ang problema ng kanyang mga listeners/viewers.


Wala rin siyang hinihintay na kapalit sa tulong na kanyang ibinibigay. Magaan sa loob niya ang public service na ginagawa sa kanyang programa.


Maraming tumututok sa show ni Idol Raffy dahil dito nila napapanood ang iba't ibang kuwento na hindi mo aakalain na totoong nagaganap sa tunay na buhay. Sa programa naghaharap-harap ang mag-asawang may problema sa kanilang relasyon.


Nagagamit ni Raffy sa kanyang YouTube channel ang mga problemang inilalapit sa kanya, kaya hindi na kataka-takang umabot na sa mahigit 15 million ang kanyang YouTube subscribers.

 
 

RAFFY TULFO, NAMUMUDMOD NA NG DATUNG, PA-HOTEL PA ANG MGA HUMIHINGI NG TULONG

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 29, 2020




Maraming kuwento ng pagtulong na nakapaloob sa vlog ng matapang na broadcaster na si Raffy Tulfo. Karamihan ay tumatalakay sa problema ng mga pamilya na sinisikap niyang ayusin at bigyan ng solusyon.


Kakaiba ang style ni Idol Raffy ng pagtulong. Hangga't kaya niya ay nagbibigay din siya ng cash assistance sa mga taong dapat tulungan.


Kuwento nga ni Raffy Tulfo kay Ogie Diaz, araw-araw, ang dala niyang pera na budget pantulong ay P30 K to P50 K! At sa dami ng nagpupunta sa radio show niya sa TV5, minsan ay hindi napagbibigyan na pumasok ang lahat. Kaya 'yung mga galing pa sa malalayong lugar ay pinatutulog na lang nila sa hotel at si Raffy pa ang nagbabayad.


Ang pinakagusto namin sa vlog ni Raffy Tulfo ay 'yung pagkikita nila ng kanyang Yaya Rosa na taga-Ormoc, Leyte. Ito ang nag-alaga noon sa Tulfo brothers na sina Ben, Erwin at Raffy.


Lumuwas ng Maynila si Lola Rosa at naiyak sa tuwa nang makita ang dati niyang alagang bata na si Idol Raffy. Binigyan naman siya ni Raffy ng mga bagong gamit sa bahay. Dinala pa siya sa mall at ipinamili ng mga bagong damit. Pinasamahan din ni Raffy si Yaya Rosa sa kanyang staff sa parlor at nagpamasahe pa.


At bago bumalik sa Leyte ay nag-dinner date pa si Raffy at ang kanyang Yaya Rosa! Hindi pa natapos du'n ang tulong ni Idol Raffy sa kanyang yaya, pinahanapan din niya ito ng maayos na tirahan sa Leyte dahil nawasak ng bagyo ang kubong tinirhan nito at nasa danger zone pa dahil nasa tabing-ilog.


Nangako si Tulfo na siya ang magbabayad ng upa buwan-buwan sa bagong bahay na nilipatan ng kanyang dating yaya.


Well, kahit paano ay nagse-share naman ng blessings si Idol Raffy na galing sa kinikita niya sa kanyang YouTube Channel na ngayon ay mahigit 15 million na ang subscribers. Sabi nga ay kumikita ng P50 M si Tulfo sa kanyang YouTube! Bongga!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page