top of page
Search

ni Mylene Alfonso | March 1, 2023



Dapat nang ipagbawal ng gobyerno ang modus ng ilang kumpanya na nagpa-pautang na may ‘sangla-ATM card’ modus.


Ayon kay Senador Raffy Tulfo, marami sa biktima ng naturang modus ay mga pensioner ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS).


“We must look if there is a need to regulate the use of the pension Automatic Teller Machine (ATM) card as collateral in the Sangla-ATM system. At the moment,there is no prohibition or regulation governing these Sangla-ATM transactions,” wika ni Tulfo.


“I am looking into proposing the prohibition or regulation of the use of Social Security System (SSS) and Government Service Insurance System (GSIS) pension ATMs as collateral and provide corresponding penalties,” aniya pa.


Sa kabila na aminado ang baguhang senador na pinapatulan ang mga ganitong istilo dahil sa labis na pangangailangan sa pera.


Ngayon wala aniyang batas na nagbabawal sa paggamit ng ATM card bilang collateral sa utang. Diin ni Tulfo kung may batas ay mapaparusahan na ang mga gumagamit ng ga-

nitong modus.


Nagpahayag naman ng suporta si Majority Leader Joel Villanueva kaugnay sa nais ni Tulfo sa katuwiran na mga nasa marginalized sector, tulad ng indigent senior citizens ang nabibiktima ng mga mapang-abusong kumpanya.


 
 

ni Mylene Alfonso | February 16, 2023



Nais ni Senador Raffy Tulfo na gawing mandato ang paglalagay ng mga timer sa lahat ng traffic lights upang makatulong sa kaligtasan sa mga kalsada at mabawasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Sa kanyang inihaing Senate Bill No. 1873 o kilala sa “Traffic Light Timer Act”, sinabi ni Tulfo ang kahalagahan ng mga traffic light timer upang i-regulate ang daloy ng mga sasakyan at ang mga pedestrians sa mga interseksyon na lugar.


Sa sandaling maging ganap na batas, oobligahin ang Department of Transportation na magtalaga ng mga timer sa lahat ng traffic lights sa siyudad sa loob ng dalawang taon mula nang magkabisa ang naturang panukala.

Iminungkahi rin sa panukala ang multa mula P50,000 hanggang P100,000 sa sinumang tao, entity o local government unit kada traffic light na walang functioning timer.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 17, 2021



Nanguna ang TV personality na si Raffy Tulfo sa survey sa pagka-senador na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).


Ayon sa SWS survey, nanguna si Tulfo na sinundan ni Sorsogon Governor Chiz Escudero habang pumangatlo si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano.


Nasa 60% ng 1,200 adult Filipino ang pinili si Tulfo bilang top choice.


Nasa 51% naman ang pumili kay Escudero habang 50% kay Cayetano na mula sa dating panlima ay nasa pangatlong puwesto na.


Nasa pang-apat na puwesto naman sa survey si House Deputy Speaker Loren Legarda na mayroong 45% at panlimang puwesto naman si Senate Majority Leader Miguel Zubiri habang nasa pang-anim na puwesto si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar.


Pasok din sa Magic 12 sa pinakahuling SWS survey sina Senator Risa Hontiveros, dating senator Jinggoy Estrada, actor Robin Padilla at veteran journalist Noli de Castro at Senator Joel Villanueva.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page