ni Jasmin Joy Evangelista | December 10, 2021
Naghahanda na ang iba't ibang simbahan sa lungsod ng Maynila para sa Simbang Gabi at iba pang aktibidad habang papalapit ang Pasko.
Narito ang schedule sa Sto. Niño de Tondo Parish Church:
Disyembre 15-23, 2021
* 6:00 p.m.
* 8:00 p.m.
Disyembre 16-24, 2021
* 3:00 a.m.
* 5:00 a.m.
Narito naman ang schedule sa Quiapo Church:
Simula Disyembre 15, 2021
* 7:00 p.m.
* 8:00 p.m.
Simula Disyembre 16, 2021
* 4:00 a.m.
* 5:00 a.m.
Mayroon ding misa na inorganisa ang pamunuan ng Quiapo Church katuwang ang ibang simbahan para sa Simbang Gabi sa Liwasang Bonifacio nang alas-7 ng gabi.
Paalala ng mga pamunuan ng simbahan, sumunod sa safety protocol marshals at panatilihin ang physical distancing. Kung mayroon namang karamdaman o sintomas ng COVID-19, manatili na lamang sa tahanan at sumubaybay na lamang sa online mass. Ipinagbabawal din ang paghawak o pagpahid sa mga imahen ng poon.
Samantala, nagbabala naman ang Manila Police District sa mga deboto na mag-ingat sa modus ng kawatan at sumunod sa protocols.