ni Lolet Abania | December 7, 2020
Isang opisyal ng pulisya sa Quezon City ang sinibak sa serbisyo dahil sa kasong grave misconduct habang isa pa ang suspendido ng mahigit isang buwan sa attempted extortion, ayon sa pahayag ng lokal na pamahalaan ng lungsod.
Sa inilabas na advisory ngayong Linggo ng People's Law Enforcement Board (PLEB) ng Quezon City, na-dismiss si PO1 Michael Gragasin sa serbisyo epektibo agad matapos mapatunayang guilty ng grave misconduct sa extortion.
Suspendido naman si PO2 Alex Chocowen nang 51 araw makaraang mapatunayang guilty ng less grave misconduct sa attempted extortion. "In just five months, the reorganized PLEB has made significant contributions to the city. May katapat na ang mga abusadong pulis dito sa lungsod," pahayag ni Mayor Joy Belmonte.
Nagtalaga rin si Belmonte ng mga bagong miyembro ng PLEB habang hinirang si Atty. Rafael Calinisan bilang executive officer.