top of page
Search

ni Lolet Abania | May 25, 2021



Muling ipagpapaliban sa ikalawang beses ngayong Martes ang regular public address ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa Malacañang.


Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, si Pangulong Duterte at kanyang delegasyon ay kababalik lamang sa Manila mula sa isang Regional Peace Council meeting sa Dumaguete City na ginanap nu'ng Lunes nang hapon.


“Talk to the People will be moved tomorrow. Nakauwi na kami galing Dumaguete, ala-una na. Medyo puyat po lahat, including ang mga tao sa OP [Office of the President],” ani Roque sa isang Palace briefing ngayong Martes.


“Kaya sa Wednesday ang Talk to the People,” dagdag ni Roque.


Karaniwan nang isinasagawa ang public address ni P-Duterte tuwing Lunes ng gabi, subalit ito ay na-postpone dahil sa pulong nito sa Dumaguete.


Matatandaang noong May 17 sa naganap na Talk to the People, nakasama ni Pangulong Duterte si Senate President Juan Ponce Enrile na 97-anyos na, bilang kanyang guest upang talakayin ang isyu sa West Philippine Sea.


Dahil sa naging mga pag-uusap at mahabang paliwanag ni Enrile, tumagal ang taped address ng Pangulo kung saan ipinalabas ito at hinati sa dalawang bahagi.


Ang part 1 ay noong May 17 ng gabi at ang part 2 ay May 18 naman ng tanghali.


Sa kabila ng patuloy na pananatili ng mga Chinese sa paligid ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas na nasa West Philippine Sea, sinusuportahan ni Enrile ang posisyon ni P-Duterte na hindi dapat kalabanin ang China.


 
 

ni Lolet Abania | March 15, 2021





Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang kasalukuyang pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases ay hindi na dapat na ipangamba ng publiko.


Sa kanyang weekly address to the nation ngayong Lunes, hiniling ni Pangulong Duterte sa mga mamamayan na huwag mawawalan ng pag-asa sa kabila ng pandemya ng COVID-19.


"Kaya natin ito, itong COVID-19. Maliit na bagay lang ito. Madami tayong nadaanan. Huwag kayong matakot, hindi ko kayo iwanan," ani P-Duterte.


Ito ang naging pahayag ng Punong Ehekutibo matapos na ang buong Metro Manila ay magpatupad ng curfew na sinimulan ngayong Lunes nang alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga na tatagal ng dalawang linggo (March 15-March 31).


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 8, 2020



Pinabulaanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang diumano'y haka-haka na tumatanggap siya at ang mga Cabinet members ng pera. Aniya, “Maraming haka-haka riyan na kaming mga Cabinet members, ako, tumatanggap ng pera… look, I give you this guarantee.


Magdala ka lang ng tao at sabihin mong nagbigay siya ng piso sa amin, mag-resign ako bukas. “Just one person, one affidavit, walang imbento, ‘yung totoo na sinabi na may tinanggap kami na pera.


You just bring him to him or bring him before the public an announcement and if true, I will tender my resignation as president of this Republic. That is my gurantee to you. Basta totoo, do not lie.


‘Wag kang imbento, ‘wag kang mag-istorya, masama ‘yan. “Kung ganu’n, ikaw ang patayin ko. “You will destroy the name of a person or the Cabinet member. Kung meron kayong transaction, let me know.


As far as I’m concerned, they’re all honest at kung meron ka, sabihin mo in public and I will ask that Cabinet member to resign immediately. “Hindi maganda ‘yung haka-haka because it will destroy… sino pa ang maniniwala sa amin kung you keep on… ‘yung mga ganitong istorya.


“Ako, hindi lang sa public, in government, if there is anybody who can prove that I receive money from the Office of the President from the government, one peso more than my salary, re-resign din ako.


“Kung sumobra… I think my after tax… 200 ang suweldo ko… after tax, mga 193 yata… ‘pag sumobra ‘yan, kumuha ako ni piso, ‘pag sumobra ako, ganu’n din, I will resign.


“There’s no use of governing a country when people no longer believe in you kasi kung hindi na maniwala ang tao, wala na. You’re better off just enjoying your retirement. Kasi naman presidente ka, Cabinet member ka, matanda ka na…”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page