ni Jasmin Joy Evangelista | January 27, 2022
Lumago ang ekonomiya ng bansa ng 5.6 percent noong 2021 matapos bawasan ang paghihigpit sa mga COVID-19 restrictions, na may GDP na 7.7 percent sa 4th quarter, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ang fourth-quarter growth ay mas mataas kumpara sa nakaraang quarter kung saan ni-revise sa 6.9 percent mula 7.1 percent.
Sa pagbubukas ng maraming produktibong sektor ng ekonomiya mula October hanggang December noong 2021, ang gross domestic product (GDP) ay tumaas ng 3.1 percent kumpara sa third quarter output.
Ang paglago ng GDP noong nakaraang taon ay higit sa 5 hanggang 5.5 porsiyentong target na itinakda ng Development and Budget Coordination Committee noong Disyembre.