top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 9, 2023




Mabilis na nakabawi ang ekonomiya ng 'Pinas sa ikatlong quarter ng 2023 matapos ang pagbulusok nu'ng nakaraang quarter, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nu'ng Huwebes, Nobyembre 9.


Base sa kabuuang halaga ng mga kalakal at serbisyong inilabas o gross domestic product (GDP), pumalo sa 5.9% sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre ngayong taon, saad ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa.


Dagdag pa ng PSA, lumago ang ikatlong quarter sa tulong ng lumalawak na wholesale at retail trade, pagsasaayos ng mga sasakyan at motorsiklo, gawaing pinansyal at seguridad, at konstruksyon.


Kasalukuyang may target na 6%-7% na paglago ng GDP ang bansa sa taong ito.


 
 
  • BULGAR
  • Nov 8, 2023

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 8, 2023




Tumaas ang bilang ng walang trabaho sa 'Pinas nu'ng Setyembre kumpara sa sinundan nitong buwan, habang bumaba naman ang underemployment.


Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang porsyento ng kawalan ng trabaho sa bansa nu'ng Setyembre ay 4.5% o 2.26-milyong Pinoy na walang trabaho na bahagyang mas mataas sa 4.4% nu'ng Agosto.


Sa kabilang banda, ang antas ng underemployment ay mas mababa nu'ng Setyembre, na nasa 10.7% o 5.11 milyon kumpara sa 11.7% nu'ng Agosto.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 7, 2023




Matapos sunud-sunod bumulusok ng inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin, unti-unti naman itong bumagal nu'ng Oktubre na nagresulta sa mabagal na pag-angat ng presyo ng mga pagkain at iba pa, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Martes.


Ang datos ng pagtaas ng bilihin nu'ng Oktubre ngayong taon ay ay mas mababa sa 7.7% na rate nu'ng Oktubre ng nagdaang taon.


Pahayag ng National Statistician at PSA chief na si Dennis Mapa sa ginanap na press briefing sa lungsod ng Quezon, mula 6.1% rate ng inflation nu'ng Setyembre bumaba ito sa 4.9% nu'ng nakaraang buwan.


Ito ang pinakamabagal na naitalang porsyento ng pagtaas mula nu'ng 4.7% ng Hulyo ngayong taon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page