top of page
Search

ni Eli San Miguel @World News | September 2, 2024



Sports News

Libu-libong galit at nagdadalamhating mga Israeli ang nagprotesta sa mga kalsada nitong Linggo ng gabi matapos matagpuang patay ang anim pang mga bihag sa Gaza.


Nananawagan sila kay Prime Minister Benjamin Netanyahu na makipagkasundo para sa tigil-putukan sa Hamas upang maiuwi ang mga natitirang bihag. Nagtipon ang libu-libong tao sa labas ng opisina ni Netanyahu sa Jerusalem.


Sa Tel Aviv, nagmartsa ang mga kamag-anak ng mga bihag kasama ang mga simbolikong kabaong. Iniulat na tatlo sa anim na patay na bihag, kabilang ang isang Israeli-American, ang nakatakda sanang palayain sa isang panukalang tigil-putukan na tinalakay noong Hulyo, na nagdulot ng higit pang galit at pagkabigo sa mga nagpoprotesta.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 25, 2023




Iniwan ni Prime Minister Katrin Jakobsdottir ng Iceland, kasama ng libong kababaihan ang kanilang trabaho upang magprotesta para sa pantay-pantay na karapatan, sahod at labanan ang karahasan sa kababaihan nu'ng Martes, Oktubre 24.


Saad ng tagapagsalita ni Jakobsdottir, nakiisa ito sa kilos sa pamamagitan ng hindi pagdalo sa kanyang mga gawain.


Tinatalang nasa 10.2% ang itinaas sa sahod ng kalalakihan sa Iceland nu'ng 2021, na nagresulta sa pag-alis ng mga kababaihan sa kanilang trabaho.


Ayon kay Steinunn Rognvaldsdottir, isa sa organizers ng protesta, hindi pa talaga nila nakakamit ang pagkakapantay-pantay kahit pa mas maayos ang pagtrato sa kababaihan sa kanila kumpara sa ibang bansa.


Dagdag niya, ito pa lang ang pangalawang beses na tumagal ang ‘Kvennafri’ o Women's Day Off ng isang buong araw.




 
 

ni Mabel Vieron @Overseas News | August 11, 2023




Isang linggo na umano ang pagwewelga bilang tugon sa mga driver na tinutumbok at ini-impound para sa mga maliliit na pagkakasala.


Kasama sa mga paglabag ang hindi pagsusuot ng seatbelt at ilegal na pagmamaneho sa emergency lane.


Samantala, ang ibang nahaharap sa parehong paglabag ay pinagmumulta lamang.


Kahit ang mga operator ng minibus ay nagpakita rin ng pagkadismaya sa gobyerno dahil sa aksyon na kanilang ginagawa.


Noong nakaraang araw, ipinag-utos ng transport minister ng South Africa na si Sindisiwe Chikunga, ang agarang pagpapalaya sa mga minibus na na-impound ng City of Cape Town.


Ayon kay Ms. Chikunga, ang batas na ginamit ay naisagawa at naipatupad nang mali at ‘di umano ito umiiral sa ilalim ng kasalukuyang mga batas.


Mahigit 120 katao ang naaresto mula noong Agosto 3, at kinumpirma ni Police Minister Bheki Cele na kabilang sa mga namatay ang isang pulis.


Nanawagan si Mr. Cele para sa operasyon sa pagitan ng gobyerno ng Cape Town at mga operator ng taxi, kabilang aniya sa mga naapektuhan ng welga ang mga batang hindi na nakakapasok sa paaralan.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page