ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 9, 2021
Hindi muna tatanggap ang Canada ng mga foreign tourists na hindi pa bakunado laban sa COVID-19, ayon kay Prime Minister Justin Trudeau.
Nang matanong ng mga reporter si Trudeau kung maaari bang makapasok ng bansa ang mga unvaccinated tourists, aniya, "I can tell you right now that's not going to happen for quite a while."
Gayunpaman, ayon kay Trudeau, pinag-aaralan nang payagang makapasok sa Canada ang mga fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Aniya, "The next step we'll be looking at what measures we can allow for international travelers who are fully vaccinated.
"We will have more to say in the coming weeks."
Samantala, umabot na sa 78% ng mga edad 12 pataas sa Canada ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19, ayon sa health officials. Nasa 44% naman ng mga edad 12 pataas ang fully vaccinated na.