ni Lolet Abania | July 2, 2022
Asahan umano ng mga motorista ang bawas sa presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, matapos ang limang magkakasunod na linggong price hikes sa diesel habang apat na magkakasunod na linggo naman sa gasoline.
Sa kanilang fuel price forecast para sa Hulyo 5 hanggang 11 na trading days, ayon sa Unioil Petroleum Philippines ang presyo ng kada litro ng diesel ay posibleng mabawasan ng P2.80 hanggang P2.90.
Habang ang gasolina ay tinatayang may bawas na P0.10 kada litro o walang pagbabago sa presyo nito.
Batay sa oil industry source, ang presyo ng diesel ay posibleng magkaroon ng roll back ng P3.10 hanggang P3.30 habang ang gasoline ay may tapyas naman ng P0.20 hanggang P0.40 kada litro.
Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, mayroong dalawang dahilan ng inaasahang oil price rollback kabilang dito ang China lockdown at ang epekto sa mundo ng paghirap ng ekonomiya at sa demand sa langis.