ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 18, 2021
Tinaasan ng pamahalaan ang deployment cap sa mga healthcare workers na nais magtrabaho abroad at mula sa dating 5,000, ginawa itong 6,500.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Biyernes, maaaring i-deploy ang mga healthcare workers para sa mga mission critical skills (MCS) na mayroon nang kumpletong kontrata noong Mayo 31.
Saad pa ni Roque, “The Inter-Agency Task Force (IATF) on Thursday, June 17, 2021, increased the annual deployment ceiling of new hire healthcare workers (HCWs) for Mission Critical Skills (MCS) to 6,500.
“HCWs falling under MCS with perfected contracts as of May 31, 2021, shall form part of the adjusted ceiling.”
Paglilinaw ni Roque, ang mga healthcare workers na nasa ilalim ng government-to-government labor agreements ay exempted sa adjusted ceiling.
Matatandaang noong nakaraang taon, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng ilang opisyal na alisin na ang suspensiyon sa overseas deployment ng mga healthcare workers.
Nagpatupad kasi ng deployment ban ang pamahalaan para masiguro ang kaligtasan ng mga Pinoy healthcare workers at upang hindi magkulang ang medical manpower sa bansa ngayong pandemya.