ni Mylene Alfonso | June 3, 2023
Inilunsad kahapon ng gobyerno ang "e-Gov Super App", isang komprehensibong platform para pagsama-samahin ang maraming serbisyo, i-streamline ang mga proseso at labanan ang katiwalian.
Ayon kay Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr., mahalaga ang e-governance bilang isang paraan upang makasabay sa mga modernong pag-unlad.
"There is another part of this that is extremely important, that we sometimes do not talk about, and that is the lessening of corruption. Because you do not have to talk to a person at all for the entire process, wala kang kausap na tao. There’s no discretion that’s being exercised at any point. It’s either yes, no, yes, no… it’s binary,” wika ni Marcos sa app unveiling sa President Hall sa Malacañang kahapon.
"That way, it simplifies the process, especially for the citizens and there is no discretion being exercised by anyone. Eh, kung 'di mo 'ko lagyan, hindi ko ipapaano ito. Iipitin ko ito, mga ganon. Kausapin mo si ganito, ganyan, siya mag-aayos, ‘yung fixer niya.
Mawawala na ‘yan. We owe that to the people,” banggit ni Marcos.
Sa paglulunsad, sinabi ng Pangulo na dapat din pangasiwaan ng gobyerno ang mabilis na pag-unlad ng interconnectivity infrastructure at digitalization ng bansa upang mapalakas ang ekonomiya kung saan nahuhuli ang Pilipinas.
“And… the whole idea of e-governance is something that we need to do because we have fallen behind,” dagdag pa ni Marcos.
Sa pamamagitan ng Super App, maa-access at mapakikinabangan ng mga Pilipino ang mga serbisyo ng gobyerno, tulad ng valid personal identification sa digital format, mahahalagang pang-araw-araw na pangunahing serbisyo ng gobyerno kabilang ang e-tourism at e-travel services; e-payments at banking services; at maging ang kapaki-pakinabang na balita at impormasyon tungkol sa iba't ibang paksa.
"We hope with the beginnings of this e-governance system, that a senior living in an isolated place, an isolated island somewhere who, by the time we will have connectivity, can just go on to their phone (and transact),” hirit pa ng Pangulo.