ni Mylene Alfonso @News | September 14, 2023
Tila naubos na ang pasensya ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., dahil sa pagkaantala sa pag-iisyu ng mga national ID.
"So, a lot of delays have already happened and there are many of our countrymen who have been complaining that up to this date, they have not yet received their national ID. And so, the President has expressed his impatience because a lot of things needed to be done and it’s all dependent on the deployment of a national ID," pahayag ni Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy sa press briefing sa Palasyo.
Gayunman, inihayag ni Uy na hindi nagbigay ng anumang ultimatum ang Pangulo sa kanila hinggil sa pagkumpleto ng pamamahagi ng mga national IDs.
"Well, wala naman pong ultimatum. Kami na po ang nagbigay ng basically ng goal namin.
Mga I think, we were only be able to be given access to the database just a month or two months ago. So, medyo ambitious po ang ating goal na last July lang tayo nabigyan ng access, eh we're hoping that by year end makaka-deploy tayo [ng mga national IDs]," sabi ni Uy.
"Kung ang PSA [Philippine Statistics Authority] po, inabot ng apat na taon, eh hindi pa ho nila matapos-tapos 'yung deployment. We're very optimistic, I believe in the capabilities of our people in order to that," banggit pa ng kalihim.
Tiwala naman si Uy na bago matapos ang kasalukuyang taon ay makapagpapalabas sila ng malaking bilang ng digital IDs.
Matatandaang Agosto nang ianunsyo ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na ang DICT ang mamamahala sa paggawa ng mga e-PhilID.