top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 13, 2021



Hindi papayagan ng pamahalaan ng France na magtrabaho ang mga health workers na hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19.


Saad ni Health Minister Olivier Veran, "By Sept. 15, all health workers must have had their second dose.”


Ayon naman kay President Emmanuel Macron, kailangang magpabakuna na ang publiko dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.


Aniya, "We must go towards vaccination of all French people, it is the only way towards a normal life.”


Ayon kay Macron, simula sa Agosto ay kailangan nang magpakita ng health pass o negative COVID-19 test result at proof of vaccination ang sinumang nais magpunta sa mga bar, restaurant, cinemas at theaters. Kailangan na ring magpakita nito kung sasakay sa mga “long-distance trains and planes” simula sa nasabing buwan.


Saad pa ni Macron, "We will enforce restrictions on those who are not vaccinated rather than on everyone.”


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | June 3, 2021




Nilinaw ng mga eksperto na walang magiging problema kung ma-delay ang pagpapaturok ng isang indibidwal sa kanyang second dose ng COVID-19 vaccines, ayon kay Dr. John Wong, founder ng health research institution na EpiMetrics Inc.


Aniya, "Okay lang naman basta ang importante, bumalik sila para sa second dose. Without the second dose, kulang ang protection nila. Kahit na you miss by 1 week or 2 weeks, basta bumalik ka."


Batay sa huling tala, 3,974,350 indibidwal na ang nabakunahan ng unang dose, habang 1,206,371 lamang nito ang fully vaccinated o nakakumpleto ng dalawang turok.


Sa ngayon ay patuloy na hinihikayat ng gobyerno ang publiko na magpabakuna.


Iba’t ibang pakulo na rin ang inihanda ng ilang local government units (LGU) upang mapabilis ang vaccination rollout at nang tuluyang maabot ng bansa ang tinatarget na herd immunity.


Matatandaan namang aprubado na ng US Food and Drug Administration (US FDA) ang application ng Pfizer COVID-19 vaccines upang magamit sa menor-de-edad ang kanilang bakuna.


Kaugnay nito, sisimulan na sa ika-15 ng Hunyo ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga edad 12 hanggang 18-anyos sa France, ayon kay President Emmanuel Macron.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page