top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 28, 2020




Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes ang P4.5-trillion 2021 national budget upang muling buhayin ang ekonomiya ng bansa at para na rin sa patuloy na pakikibaka natin sa COVID-19 pandemic.


Kabilang sa mga top recipients na naturang budget ay ang:

  • Department of Education na may P751.7 billion o 16.7 percent ng budget

  • Department of Public Works and Highways, na may P695.7 billion (15.4 percent)

  • Department of the Interior and Local Government, na may P249.3 billion (5.5 percent)

  • Department of Health, na may P210.2 billion

  • Department of National Defense, na may P205.8 billion

  • Department of Social Welfare and Development, na may P176.9 billion

  • Department of Transportation, na may P87.9 billion

  • Department of Agriculture, na may PhP71 billion

  • Judiciary, na may PhP45.3 billion

  • Department of Labor and Employment na may P37.1 billion


Kasama rin ang PhP72.5 billion budget para sa pagbili, storage, transportasyon at distribusyon ng mga vaccines laban sa COVID-19.


Pahayag ni P-Duterte, "As we look forward with hope for the coming year, let me assure the public that this administration will ensure the efficient use of resources through sound fiscal policy that will enable us to overcome the debilitating effects of the pandemic on public health and our economy.


"I cannot stress this enough: every centavo of this budget must be spent to ensure our nation’s recovery, resilience and sustainability."

 
 

FDA Dir. Gen. Domingo: Wala pa rin kaming nahuhuli sa mga raid

ni Lolet Abania | December 27, 2020




Ibinulgar ni Pangulong Rodrigo Duterte na maraming Pinoy, kabilang na rito ang ilang sundalo, ang nagpaturok na ng COVID-19 vaccine mula sa Chinese pharmaceutical company na Sinopharm kahit na wala pang approval mula sa Food and Drug Administration (FDA).


"Sabihin ko sa iyo, marami na ang nagpa-injection dito sa Sinopharm... Halos lahat ng sundalo natusukan na," ani Pangulong Duterte kay FDA Director-General Eric Domingo sa naganap na pulong ng mga Cabinet officials kagabi.


"I have to be frank and I have to tell the truth. I will not foist a lie. Marami nang nagpatusok and lahat," dagdag ng punong ehekutibo.


Gayunman, tugon ni Domingo sa pangulo, aarestuhin pa rin nila ang sinumang indibidwal na masasangkot sa pag-a-administer umano ng nasabing vaccine sa mga kababayan.


"Wala nga po kaming mahuli. Naka-tatlong raid na po kami sa Makati at saka sa Binondo, pero wala naman po kaming nahuli pa," sabi ni Domingo kay Pangulong Duterte.


Matatandaang nais ni P-Duterte na ang pulisya at military ay kasama sa unang makatatanggap ng COVID-19 vaccine kapag mayroon na nito sa bansa dahil aniya, kailangan ng mga itong maging malusog.


Ayon sa Pangulo, nananatili siya sa ganitong desisyon.


"Gusto ko mauna sila because I do not want a sickly armed forces and a sickly police. The reason why is that they have to be in good health all the time because they are responsible for the law and order of this country," ani P-Duterte sa meeting.


Naitalang mahigit sa isang milyong katao na ang kumuha ng Sinopharm para sa emergency use, ang experimental vaccine na dinebelop ng China National Pharmaceutical Group at naaprubahan din sa ibang bansa gaya ng Bahrain.

 
 

ni Lolet Abania | December 27, 2020




Sa naganap na pulong kasama ang mga miyembro ng gabinete tungkol sa patuloy na paglaban ng bansa sa COVID-19, humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa inalis niya ang kanyang face mask at nagbiro na hindi naman aniya siya aarestuhin.


“Pardon me if I remove my mask. I cannot pronounce the words properly. This thing is bothering me. Pasensiya na kayo,” sabi ni Pangulong Duterte sa isang live briefing kahapon.


“Hindi naman siguro, wala namang hulihan dito. Well, no one is above the law. When it says that you are violating a certain regulation. Ang problema, hindi ako makapagsalita. I seem to stammer ang bunganga ko,” dagdag ng Chief Executive.

Matatandaang noong July inatasan ni Pangulong Duterte ang mga pulis na arestuhin at i-detain ang mga mahuhuling hindi nagsusuot ng face mask dahil sa COVID-19 pandemic.


Ang naganap na meeting kahapon ni P-Duterte kasama ang mga Cabinet members at ang mga infectious disease experts ay upang talakayin ang bagong strain ng novel coronavirus na naitala sa United Kingdom.


Sa nasabing pulong, inaprubahan ni Pangulong Duterte ang extension ng travel ban sa lahat ng flights mula sa UK, kabilang din dito ang mga transited mula sa UK, ng dagdag na dalawang linggo kung saan magtatapos sa kalagitnaan ng Enero, 2021.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page