top of page
Search

ni Lolet Abania | February 5, 2022



Nasa 62 mula sa 101 licensure examinations na nakaiskedyul para sa 2021 lamang ang naisagawa ng Professional Regulation Commission (PRC).


Sa interview sa Laging Handa briefing ngayong Sabado, sinabi ni PRC chairperson Teofilo Pilando Jr. na mas mataas aniya ang bilang pa nito kumpara sa 11 mula sa 85 examinations na naisagawa noong 2020.


“Of course, hindi naging madali ang pagsasagawa ng examinations last year dahil ongoing pa rin ang pandemya, at saka pabago-bago pa rin ang community quarantine classifications, travel restrictions, at safety protocols. But we were able to conduct these examinations,” paliwanag ni Pilando.


Ini-report din ni Pilando na ang dentist practical examinations lamang sa National Capital Region (NCR) ang na-postponed ngayong 2022 sa gitna ng surge ng COVID-19 cases. Gayunman, ang eksaminasyon ay itinuloy sa ibang rehiyon.


Ayon sa opisyal, halos 1,500 examinees ang apektado sa kanselasyon ng pagsusulit. Target naman ng PRC na ituloy ang mga may Special Professional Licensure Examination (SPLE) sa mga selected cities overseas o sa piling mga siyudad sa ibang bansa ngayong taon, kung papayagan ang COVID-19 restrictions sa Pilipinas at sa host countries.


Samantala, sinabi ni Pilando na kinokonsidera na rin ng PRC na magsagawa ng pagbabago sa licensure examinations.


Ayon sa opisyal, bahagi ng plano ng commission, ang pagkakaroon ng computer-based licensure tests, hybrid type ng examinations, at vaccination requirements para sa mga examinees at personnel.


“This will be a transition from the conventional pen and paper exam and will be more manageable given current conditions. . . Again this will depend on the rules, technology, available resources and acceptability by all concerned stakeholders,” sabi ni Pilando sa interview habang aniya, sa ngayon, ang computer-based pa lamang ay ang board exams para sa psychologists.


Binanggit naman ni Pilando na pinag-iisipan ng PRC na gawin na ring computerized ang mga sumusunod na licensure examinations:


• Aeronautical engineering

• Dental hygienist and technologist

• Guidance and counseling

• Geologist

• Metallurgical engineering

• Naval architecture

• Sanitary engineering


Subalit, giit ni Pilando ang safety protocols, gaya ng COVID-19 vaccination, aniya, “strictly implemented during the preparation, during, and post-preparation of the examinations.”

 
 

ni Lolet Abania | November 30, 2021



Inilabas na ng Professional Regulation Commission (PRC) ngayong Martes ang listahan ng mga passers na kumuha ng Licensure Examination for Teachers sa parehong elementary at secondary.


Ayon sa PRC, nasa 4,883 elementary teachers mula sa 8,726 examinees (55.96%) at nasa 10,318 secondary teachers mula sa 17,863 examinees (57.76%) ang matagumpay na nakapasa sa examinations na isinagawa noong Setyembre 26, 2021.


Samantala, ang registration para sa issuance ng Professional Identification Card (ID) at ng Certificate of Registration ay magbubukas sa sumusunod na petsa:


• Enero 6, 7, 10, 2022

• Enero 13, 14, 17, 2022

• Enero 20, 21, 24, 2022

• Enero 27, 28, 31, 2022


Ang mga petsa at venues naman para sa oathtaking ceremonies ng mga bagong nagtagumpay na examinees ay iaanunsiyo sa mga susunod na araw, ayon pa sa PRC.


 
 

ni Lolet Abania | May 18, 2021




Hindi ipinagbibili ang mga COVID-19 vaccines sa Pilipinas, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.


Ito ang nilinaw ni Roque matapos na ianunsiyo ni Philippine Red Cross (PRC) chairperson Senator Richard Gordon na ang PRC ay maniningil ng P3,500 para sa dalawang doses ng Moderna vaccine.


Gayunman, ipinaliwanag ng PRC na hindi ito para magbenta ng bakuna sa kanilang mga miyembro at donors kundi bayad ang P3,500 sa mga syringes, personal protective equipment, mga pagkain, at iba pang gastusin na may kaugnayan sa vaccination.


"Ang pangako po ni Presidente, ibibigay ang bakuna nang libre. Babayaran po ito ng ating gobyerno," ani Roque sa isang Palace briefing ngayong Martes.


Ayon sa kalihim, ang mga COVID-19 vaccines na kinuha ng private sector sa ilalim ng isang tripartite agreement kasama ang gobyerno ay gagamitin ng mga pribadong kumpanya para sa kanilang mga empleyado. "Wala pong dapat magbenta [ng bakuna] kasi wala pa pong general use authority ang kahit anong brand ng bakuna," sabi ni Roque.


Ang mayroon pa lamang ay emergency use authority (EUA) na isang garantiya kung saan ang bakuna ay ligtas at ang efficacy nito ay mula sa Food and Drug Administration (FDA).


Gayundin, ang EUA ay hindi nagbibigay ng awtorisasyon para sa commercial sale dahil lahat ng COVID-19 vaccines ay patuloy pa ring sumasailalim sa human trials.


Ang FDA ay nagbigay na ng emergency use authority sa mga vaccine brands tulad ng Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, Sinovac, Sputnik V, Janssen, Covaxin, at Moderna.


Sa mga ito, ang Janssen, Covaxin at Moderna ang hindi pa nai-deliver sa bansa.


Sa ngayon, mayroon na ang bansa ng pitong milyong doses ng COVID-19 vaccine supply. Sa bilang na ito, apat na milyong doses ang nailabas na habang nakapag-administer naman ng 3 milyong doses ng COVID-19 vaccines.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page