top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | March 18, 2022



Nakamit ng dalawang graduates mula sa University of the Philippines - Manila ang top two slots sa March 2022 Physician Licensure examinations, ayon saProfessional Regulation Commission (PRC) nitong Biyernes ng gabi.


Si Linnaeus Louisse Abbarientos Cruz ay mayroong rating na 90.25% habang si Bradley Ashley Gue Ong naman ay 89.00.


Nasa kabuuang 1,427 graduates out of 2,837 ang nagtagumpay na pumasa sa licensure examinations.


Kabilang din sa top ten spots ang mga sumusunod:



Ang tatlong top performing schools na may 50 o mas maraming examinees at may least 80% passing percentage ay:


• University of the Philippines - Manila

• University of Sto. Tomas

• University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 15, 2022



21 sa 51 examinees ang pumasa sa March 2022 geodetic engineer licensure exam, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) ngayong Martes.


Naunang ini-schedule ang exam noong Dec. 22-23, 2021 ngunit ni-reschedule noong March 10 at 11, 2022 dahil sa bagyong Odette, sa mga testing centers sa Cebu.


Ang Negros Oriental State University (NORSU) graduate na si Hannah Mae Ponce Gomez ang nag-top sa mga passers na may 90.20% rating.


Narito ang full list ng mga nakapasa: https://www.prcboard.com/geodetic-engineering-result-march-2022-gele-list-of-passers-topnotchers-performance-of-schoos

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 12, 2022



Mahigit 20,000 guro ang nakapasa sa licensure examination kung saan inanunsiyo ng Professional Regulation Commission (PRC) na 8,737 elementary teachers at 12,074 secondary teachers ang nakapasa sa ginanap na January 30 exam.


Ayon sa PRC at Board for Professional Teachers (BPT), ang passing rate para sa mga elementary teachers ay 55.66 percent, sa 15,699 na kumuha ng exam. Sa mga secondary teachers naman, 53.77 percent ng 22,454 applicants ang pumasa.


Sinabi rin ng PRC na sa 8,737 elementary teacher passers, 2,678 dito ang first time examinees habang 6,059 ang repeat examiners.


Sa mga secondary teachers, 4,652 passers ang first timers at 7,422 naman ang repeat examiners.


Ang topnotcher para sa elementary education licensure examination ay si Jenechielle Lopoy ng Saint Michael College of Laguna, na may rating na 93.80 percent, habang si Lanvin Sean delos Santos ng National Teacher’s College ang nanguna sa secondary education licensure examination na may 92.80 percent rating.


Sa elementary level, ang top performing school na may mahigit 50 examiners ay Mindanao State University sa Marawi City, matapos pumasa ang 86 sa 95 examiners at may passing rate na 90.53 percent.  Sinundan ito ng Bulacan State University – Sarmiento Campus (81.94 percent) at Bulacan State University – Malolos (80.70 percent).


Sa secondary level, nag-top ang Cebu Normal University na may at least 50 examiners kung saan 63 sa 71 ang pumasa, at may 88.73 percent passing rate.  Ito ay sinundan ng mga sumusunod na paaralan:


* University of Mindanao – Tagum (88.46 percent)

* Batangas State University – Batangas City (85.71 percent)

* Southern Luzon State University – Lucban (85.45 percent)

* Polytechnic University of the Philippines – Main, Sta. Mesa (83.33 percent)

* ICC Colleges Found. Inc. (81.82 percent)


Ang registration para sa issuance ng Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration ay bukas sa mga sumusunod na petsa:


* April: 18 to 22; 25 to 28

* May 4 to 6


Para sa mga kukuha ng Certificate of Registration at Professional Identification Card (ID), kailangan ipresinta ang mga sumusunod:


* Notice of Admission (for identification only)

* Downloaded duly accomplished Oath Form or Panunumpa ng Propesyonal

* Two pieces passport size pictures (colored with white background and complete nametag)

* Two sets of documentary stamps

* 1 piece short brown envelope


“The dates and venues for the oathtaking ceremonies of the new successful examinees in the said examination WILL BE ANNOUNCED LATER,” pahayag ng PRC.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page