top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 9, 2024




Nagbigay ng medikal na atensyon ang Philippine Red Cross (PRC) sa mahigit 600 deboto na dumalo sa Traslacion ng Itim na Nazareno ngayong Martes.


Hanggang alas-tres ng hapon, tumutulong ang PRC sa kabuuang 606 pasyente na may minor at major cases.


Sa naturang bilang, 256 ang tinutukan ang vital signs habang 182 ang may mga minor cases tulad ng abrasion, burn, dizziness, puncture, laceration, difficulty in breathing, chest pain, hyperventilation, wound, headache, elevated blood pressure, at infected wounds.


Hindi bababa sa anim na pasyente ang may naranasang head trauma (swelling), laceration, incision, fainting, severe chest pain, at suspected fracture on the left ankle.


Dinala ang mga pasyente sa PRC emergency hospital at sa Philippine General Hospital para sa agarang pangangalaga.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 8, 2023




Nagdaos ng protesta sa Mendiola, Manila ang mga grupo sa ilalim ng kilusang "People Rising for Climate Justice (PRCJ-PH)" sa kanilang paggunita ng ika-10 anibersaryo ng pagdaluyong ng Bagyong Yolanda nitong Nobyembre 8.


Balot sa putik ang mga protestante sa kanilang pagbabalik-tanaw sa kahabag-habag na sinapit ng mga mamamayan dahil sa super typhoon Yolanda na kumitil sa buhay ng mahigit 6,000 katao.



Matatandaang isa sa pinakamalakas na bagyo na naitala sa kasaysayan ang bagyong Yolanda na may hanging umaabot ng 195-milya kada oras at mala-tsunaming alon na nakapinsala ng maraming buhay.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 26, 2022



Tatlong graduates ng Ateneo de Manila University (ADMU) sa Quezon City ang nakamit ang top ranks aa ginanap na December 2021 Real Estate Licensure Examinations, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).


Si Justin Victor Nisperos de la Cruz ang nasa first place na may rating na 90.8%, Jesus Rommelson Litan Cantos sa second spot na may 87.70% rating, habang third placer naman si Michelle Lorraine Julienne Dionaldo na may rating na 87.40%.


Kabilang pa sa mga examinees na pasok sa Top 10 ay sina:




Ang total na bilang ng examinees ay 342 kung saan 314 ang nakapasa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page