ni Lolet Abania | June 10, 2021
Itinalaga ni Pope Francis si Cardinal Luis Antonio Tagle, ang kasalukuyang prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples or Propaganda Fide, sa isa pang posisyon sa Holy See.
Sa nai-post ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), si Cardinal Tagle ay miyembro na ngayon ng Congregation for the Eastern Churches, isang Vatican body na bahagi ng Propaganda Fide.
Ayon sa CBCP, ang appointment ay hindi biglaang ginawa ng Pontiff.
Ang Congregation for the Eastern Churches ay sumusuporta sa Eastern Catholic na mga simbahan sa buong mundo at nagbibigay din ng assistance sa Latin-rite Catholic dioceses ng Middle East.
Nakikipagtulungan din ang naturang Congregation sa tinatayang 23 Eastern Catholic churches at komunidad, para sa iba pang gawain upang masigurong mauunawaan ang pagkakaiba sa aspeto ng liturgy at spirituality.
Bukod sa dalawang posts na ito, si Cardinal Tagle ay miyembro rin ng Pontifical Council for Interreligious Dialogue at ng Administration of the Patrimony of the Apostolic See, kung saan ayon sa CBCP post ay nag-o-operate gaya ng central bank ng Vatican.