top of page
Search

by NCR-POPCOM - @Brand Zone | October 4, 2021



BAWAS PANGAMBA, TODO-GINHAWA!

Makinabang sa LIBRENG VASECTOMY!



Nov 15-19, 2021 - POPCOM Family Wellness Clinic, Commission on Population & Development, Mandaluyong City: Mag-text or tumawag kay Mr. Jayvee Diaz sa 09759331464


Nov 15-19, 2021 - Toril District Health Center, Davao City, Davao del Sur: Mag-text or tumawag kay Ms. Hermie Escalante sa 09325465924


Nov 22-26, 2021 - Baguio City Health Services Office, City of Baguio: Mag-text or tumawag kay Ms. Aida Gonzales sa 09503313303


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 8, 2021




Nababahala ang Commission on Population and Development (POPCOM) sa pagtaas ng bilang ng mga nanganganak na edad-15 pababa sa 7% noong 2019 kumpara sa mga nakalipas na taon.


Pahayag ng POPCOM, "In 2019, 2,411 girls considered as very young adolescents aged 10 to 14 gave birth, or almost seven every day. This was a three-fold increase from 2000, when only 755 from the said age group gave birth.”


Ayon sa tala ng POPCOM, ang Calabarzon ang may pinakamataas na bilang ng mga nanganak na menor de edad na pumalo sa 8,008. Sinundan ito ng National Capital Region na may bilang na 7,546, at ang Central Luzon ay nakapagtala naman ng 7,523.


Mataas din ang kaso ng teenage pregnancies sa Northern Mindanao na nakapagtala ng 4,747. Sinundan ito ng Davao na may 4,551 at ang Central Visayas na may 4,541.


Sa pangkalahatan, pumalo sa 62,510 ang bilang ng mga menor de edad na nanganak noong 2019 kumpara sa 62,341 na naitala noong 2018.


Nanawagan naman si PopCom Executive Director Juan Antonio Perez III sa pamahalaan na unahing isulong ang teenage pregnancy reduction program at nakikipag-ugnayan na rin umano ang ahensiya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang maprotektahan ang mga batang ina.


Saad pa ni Perez, “Adolescent mothers, as well as their children, can be provided with social protection, similar to the ones offered to older persons and victims of disasters.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page