ni Jasmin Joy Evangelista | November 22, 2021
Dumating na ang 13 trainset para sa Philippine National Railways’ Clark line.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang nasabing mga trainsets ay bahagi ng binili ng bansa sa Japan Transport Engineering Company at Sumitomo Corporation.
Ang 8-car trainset na gagamitin sa PNR Clark Phase 1 ay sasailalim sa customs clearances at ito ay dadalhin sa Malanday Depot sa Valenzuela pagdating ng Disyembre.
Ang nasabing mga trainsets ay pumasa sa factory acceptance test sa Japan noong Oktubre bago ito ay i-deliver sa bansa.
Inaasahan pa ang pagdating ng ilang trainset sa second quarter ng 2022.