ni Mai Ancheta | June 3, 2023
Napipinto na ang penitensya ng maraming pasahero ng Philippine National Railways (PNR) dahil sa nalalapit na pagtigil ng biyahe nito mula sa rutang Alabang hanggang Calamba.
Ayon kay Department of Transportation Undersecretary Cesar Chavez, sa Hulyo 2 na ang pagsasara ng operasyon ng PNR mula sa nabanggit na ruta upang bigyang-daan ang konstruksiyon ng North-South Commuter Railway System na tatagal ng limang
taon.
Sinabi ng opisyal na 467 commuters ang maaapektuhan sa pagsasara ng nabanggit na ruta.
Papalitan aniya ng NSCR system ang kasalukuyang street level ng PNR, single track at diesel locomotive set-up dahil ito ay gagawing elevated, double-track at electrified train system.
Ang NCR project ay 147 kilometer system na mag-uugnay sa Calamba, Laguna, Metro Manila hanggang Clark, Pampanga.