- BULGAR
- Nov 1, 2023
ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 1, 2023

Nag-deploy ng mahigit 4,500 pulis ang Police Regional Office-8 upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga sementeryo at iba pang lugar ng pagtitipon sa Eastern Visayas para sa Undas o All Saints' Day.
Nagsagawa si Police Brig. Gen. Reynaldo Pawid, PRO-8 director, ng inspeksyon sa mga lugar sa rehiyon upang tingnan ang kalagayan ng mga pulis na naka-assign sa mga sementeryo at mga checkpoint.
Sinabi ni Pawid na bagamat karaniwan nang tahimik ang mga barangay election, hindi pa rin nai-pullout ang mga pulis na nakaatas sa “areas of concern” sa halalan para magbantay sa mga sementeryo.
Ipinag-utos niya sa mga pulis na tiyakin na walang kontrabando ang maipapasok sa mga sementeryo.
"Intoxicating liquors are not allowed in cemeteries even if the liquor ban has been lifted after the barangay and Sangguniang Kabataan elections 2023," sabi ni Pawid.
Pinaalala niya sa mga tao na ipinagbabawal ang pagdadala ng mapanganib na mga kagamitan pati na rin ang mga pang-sugal, dahil sapat na oras na ang ibinigay sa kanila para linisin ang mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay bago ang Undas.